Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,752 total reads

Mga Kapanalig, Happy Women’s Month!

Sa taóng ito, ang tema ng pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan ay “Lead like the Babaylans, Filipinas!”. Binibigyang-diin nito ang kakayahan ng mga Pilipinang mamuno dahil bahagi ito ng kanilang pagkakakilanlan (o identity). Nakaugat ito sa ating kasaysayan kung saan ang mga babaylan—o ang mga babaeng lider at manggagamot sa komunidad bago tayo sakupin ng mga dayuhan—ay kilalá sa kanilang impluwensiya at kapangyarihang kapantay ng sa kalalakihan. Iginagalang ang mga babaeng ito dahil sa kanilang karunungan, husay sa pag-aayos ng mga hidwaan, at paggabay para sa ikauunlad ng kanilang pamayanan. 

Nagbago ito nang dumating ang mga dayuhang mananakop. Isinantabi ang kababaihan sa maraming larangan sa ating lipunan, kasama na ang pamumuno at pakikilahok sa pampublikong buhay. Ikinahon sila sa loob ng mga tahanan at iniatas sa kanila ang mga gawaing-bahay. Tinanggalan sila ng boses sa pamamahala at iniwan sa kalalakihan ang mga desisyong apektado ang lahat ng miyembro ng komunidad. 

Kahit malaya na tayo mula sa mga mananakop, nanatili sa ating kultura ang pagsasantabi sa kababaihan. Makikita natin sa mga datos ang kawalan ng pagkakapantay ng kababaihan at kalalakihan sa bansa. Ayon sa 2025 Global Gender Gap Report, nasa 0.78 ang ating gender gap index; ang score na 1 ang indikasyon ng perpektong pagkakapantay-pantay. Sa 148 na bansang kasama sa report, pang-20 tayo pagdating sa pinakapantay. Bagamat maituturing itong mataas, marami pa rin tayong kailangang baguhin sa ating pananaw sa kababaihan, lalo na sa pagbibigay ng espasyo sa kanila sa pamamahala. Sa political empowerment na sinukat din ng report, 0.38 lamang ang ating nakuha. Pinakamababa ito sa lahat ng iba pang aspetong tiningnan sa bansa gaya ng edukasyon at pagtatrabaho. Ibig sabihin, marami pang dapat baguhin at isaayos upang masigurong nakalalahok sa pulitika at nakapamumuno ang kababaihan. 

Ilan sa mga maaaring gawin ang tatlong hakbang na inilatag ng Philippine Commission on Women (o PCW) para sa paggunita ngayong taon ng Buwan ng Kababaihan. Una, ipakita ang kakayahan ng kababaihang mamuno. Maaari itong gawin sa pamamagitan ng pagpapakilala sa mga mabubuti at mahuhusay na babaeng lider sa pamahalaan at sa mga usaping pangkapayaan at pangkaunlaran. 

Pangalawa, isulong ang mga gender-responsive na mga programa at patakaran. Makatutulong ito sa pagtataguyod ng pantay na akses ng babae at lalake sa iba’t ibang oportunidad, lalo na para sa mga isinasantabing kababaihan katulad ng mga nasa kanayunan, mga katutubo, at mga may kapansanan. 

Panghuli, pagtulungan ng iba’t ibang sektor ang mga inisyatibong susuporta sa pakikilahok ng kababaihan sa pamamahala at pulitika. Kinakailangan ang pagtutulungan ng pamahalaan, pribadong sektor, at maging ng Simbahan sa pagsigurong naisusulong ang mga karapatan ng kababaihan sa anumang larangan.

Sang-ayon ang mga hakbang na ito sa paalala mula sa Genesis 1: 27 na “nilalang ng Diyos ang tao ayon sa Kanyang sariling larawan… nilalang Niya sila na lalake at babae.” Ang babae at lalaki, bagamat may mga pisikal na pagkakaiba, ay nilikhang kawangis ng Diyos kaya pantay ang kanilang dignidad. Katulad pa ng sinasabi sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, maaaring mamuhay sa isang lipunan nang may pagkakaiba-iba, nagpupunuan, at pinayayaman ang isa’t isa. Maaari tayong matuto sa bawat isa. Walang dapat isantabi. Lahat ay mahalaga. Dapat tayong humanap ng mga paraan upang makasama, mapakinggan, at makalahok ang mga babae. Mayroon silang ibang paraang ng pagtingin sa mga bagay-bagay; mga bahagi ng realidad na hindi nakikita ng mga nasa kapangyarihan. 

Mga Kapanalig, oras na para kilalanin ang kagalingan at biyayang kayang iambag ng kababaihan. Kasaysayan na natin ang nagpapatunay: kaya ng mga Pilipinang mamumuno, kung bibigyan lang natin sila ng pagkakataon, ligtas na espasyo, at buong tiwala. 

Sumainyo ang katotohanan. 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 33,058 total reads

 33,058 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 69,701 total reads

 69,701 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 87,912 total reads

 87,912 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 172,240 total reads

 172,240 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 208,120 total reads

 208,120 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Bayan, hindi bayad

 33,059 total reads

 33,059 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 69,702 total reads

 69,702 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 87,913 total reads

 87,913 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 172,241 total reads

 172,241 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »
Scroll to Top