Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kilalanin at iwasto ang pang-aabuso sa Simbahan

SHARE THE TRUTH

 590 total views

Mga Kapanalig, Isinapubliko noong isang linggo ang resulta ng dalawang taóng imbestigasyong isinagawa ng grand jury sa Pennsylvania sa Estados Unidos kaugnay ng mga sekswal na pang-aabusong kinasangkutan ng mga pari roon. Ayon sa report, mahigit isanlibong kaso ng sexual abuse ang naganap sa anim na diyosesis sa Pennsylvania sa nakalipas na pitong dekada mula noong 1947. Mahigit 300 pari ang sinasabing sangkot at ayon pa sa grand jury, dapat ding papanagutin ang mga opisyal ng Simbahang pinagtakpan ang mga kaso ng pang-aabuso.

Matagal nang kinakaharap ng Simbahan ang isyu ng sekswal na pang-aabuso ng mga pari. Ngayong taon lamang, malaking balita ang pang-aabuso ng ilang pari sa Australia at Chile at ang pananahimik ng mga obispo roon. Sa Amerika, humantong sa pagkakatanggal ng isang prominenteng arsobispo sa College of Cardinals ang kanyang pang-aabuso sa isang binatang sakristan at iba pa. Kaliwa’t kanan din ang mga imbestigasyong ginagawa sa mga seminaryo sa Boston at Nebraska. Noong isang taon dito sa Pilipinas, may isang paring kinasuhan ng qualified human trafficking nang tangkain niyang isama sa motel ang isang babaeng menor de edad.

Hindi bulag ang ating Simbahan sa masakit na katotohanang ito, kaya naman nagpupursigi itong magpatupad ng mga repormang tutuldok sa kasamaang ito. Sa Amerika, halos wala nang kaso ng pang-aabuso ang naiulat sa mga diyosesis mula noong 2002 kung kailan naging mahigpit ang United States Conference of Catholic Bishops o USCCB sa pagdidisiplina ng mga paring sangkot sa sexual abuse. Agad nilang isinusumbong sa pulis ang mga paring nananamantala at tinatanggal sa kanilang puwesto sa diyosesis ang mga akusadong pari. Dito naman sa Pilipinas, mayroon tayong Pastoral Guidelines on Sexual Abuses and Misconduct by the Clergy na inilabas noong 2003 ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP. Nakapaloob sa patnubay na ito ang mga nararapat na tugon ng mga opisyal ng Simbahan sa mga kaso ng sekswal na pang-aabuso ng mga pari. Para sa mga biktima, inaasahan ang Simbahang magbigay ng pastoral care at pangunahan ang paghihilom sa mga naapektuhan sa komunidad. Para naman sa mga paring nagkasala, bibigyan din sila ng pastoral care na akma sa kanilang kalagayan at papatawan ng kaparusahang batay sa bigat ng kasalanang kanilang nagawa. Inaantabayanan natin ang aprubadong revised version ng pastoral guidelines na isinumite ng CBCP sa Vatican.

Ayon kay Pope Benedict XVI, nagmumula ang aniya’y “greatest persecution” o pinakamatinding pagpapahirap sa Simbahan, hindi sa labas nito, kundi sa kasalanang nagmumula sa loob mismo nito. Sa panlipunang turo ng ating Simbahan, itinuturing na pangunahing tungkulin ng mga obispo—katuwang ng mga pari, ng mga relihiyoso, at maging ng mga layko—ang pagdadala ng liwanag ng Mabuting Balita sa lahat ng pangyayari sa lipunan. At malaking balakid sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita ang pananahimik at pagtatakip sa kamalian ng mga ating mga pastol. Ang pagkakasangkot sa sekswal na pang-aabuso at pagkukubli sa mga ito ay isang pagtataksil, hindi lamang sa kawang nagtitiwala sa mga pari, kundi maging sa sakripisyong ginawa ni Hesus na kanilang kinakatawan.

Panghawakan natin ang sinabi ni Pope Francis sa kanyang liham noong isang linggo:  “Mahalaga para sa ating Simbahan ang kilalanin at kundenahin, nang may pagdadalamhati at pagpapakumbaba, ang mga kamalian ng mga pari at relihiyoso… Makatutulong ang pagkilala sa mga kasalanang ito sa pagtutuwid sa mga kamalian, sa paghihilom, at sa pagpapanibago.”

Mga Kapanalig, humihingi ang Simbahan ng kapatawaran sa lahat ng mga naabuso. Tumatangis tayo kasama nila. Nawa’y hindi mawala ang ating tiwala at pag-ibig sa Simbahan sa kabila ng mga kontrobersiyang yumayanig dito. Maging daan sana ito upang mag-alab ang kagustuhan ng bawat mananampalatayang magbago at maging bahagi ng pagtutuwid sa mga mali sa loob ng ating Simbahan.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 5,864 total views

 5,864 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 19,004 total views

 19,004 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 24,977 total views

 24,977 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 30,732 total views

 30,732 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 37,994 total views

 37,994 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 5,865 total views

 5,865 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 19,005 total views

 19,005 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 24,978 total views

 24,978 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 30,733 total views

 30,733 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 37,995 total views

 37,995 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 41,062 total views

 41,062 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 36,443 total views

 36,443 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 48,447 total views

 48,447 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 56,489 total views

 56,489 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 48,046 total views

 48,046 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 46,471 total views

 46,471 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 48,257 total views

 48,257 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 45,182 total views

 45,182 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 59,496 total views

 59,496 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 63,186 total views

 63,186 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top