Pagdiriwang ng Season of Creation, Gamiting daan sa pangangalaga sa kalikasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 954 total reads

Umaapela si Cubao Bishop Honesto Ongtioco sa mga mananampalataya na gamiting daan ang nalalapit na pagsisimula ng Season of Creation upang mamulat ang bawat isa sa pag-iingat at pag-aaruga sa kalikasan.

Ayon sa Obispo, ang kalikasang biyaya ng Panginoon sa tao ay nilikha sa pamamagitan ng kanyang pagmamahal.

Inihayag ni Bishop Ongtioco na tinatawag itong “Mother Nature” o “Inang Kalikasan” dahil tulad ng isang ina, ang pagmamahal at pag-aaruga nito sa sanlibutan ay hindi nagmamaliw, at nakapagbibigay buhay sa bawat nilalang sa mundo.

“Tayo ay namumulat lalo sa kahalagahan ng pag-iingat, pag-aaruga natin sa kaloob ng Diyos sa kan’yang kalikasan na dapat nating ingatan at bigyan ng halaga dahil ito ang nagbibigay sa atin ng buhay. Kaya tinatawag nating Creation, Mother nature, parang isang ina, tayo’y walang sawang binubuhay, binibigyan ng lakas at pag-asa kaya mahalin natin ang kalikasan ng Diyos huwag nating sirain.” pahayag ng Obispo sa Radyo Veritas.

Kaugnay dito, inanyayahan ni Bishop Ongtioco ang mga mananampalataya na makiisa sa iba’t-ibang aktibidad ng mga parokya o Diyosesis para sa Season of Creation.

Sa Diocese of Cubao magkakaroon ng iba’t-ibang pagtitipon sa loob ng isang buwang Season of Creation, sa pangunguna ng Ecological Justice Interfaith Movement, Association of Major Religious Superiors of the Philippines at Global Catholic Climate Movement – Pilipinas.

Sa unang araw ng Septyembre, pormal na bubuksan ang Season of Creation kasabay ng pagdiriwang ng World Day of Prayer for Care of Creation, sa pamamagitan ng Walk for Creation at banal na misang gaganapin sa Christ the King Mission Seminary sa E Rodriguez Sr. Ave, Quezon City.

Season of Creation activities

Pormal namang magtatapos ang Panahon ng Paglikha sa ika-apat ng Oktubre kasabay ng kapistahan ni San Francisco de Asisi.

Ngayon ang ika anim na taong pagdiriwang sa Season of Creation sa Pilipinas, kasabay nito ang ikatlong taon ng World day of Prayer for Care of Creation na idineklara ng Kanyang Kabanalan Francisco noong 2015, alinsunod sa isinasagawang pag-aalay ng panalagin ng Orthodox Church na nagsimula pa noong 1989.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 84,341 total reads

 84,341 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 178,499 total reads

 178,499 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 222,767 total reads

 222,767 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 245,876 total reads

 245,876 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 317,204 total reads

 317,204 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 32,984 total reads

 32,984 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 25,888 total reads

 25,888 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top