VeritasPH

The Word, The Truth

Kilatisin ang mga nais maging lingkod-bayan

SHARE THE TRUTH

 177 total views

Mga Kapanalig, ngayong nalaman na natin ang mga taong nais maging lider ng ating bansa—kabilang ang mga tatakbo sa pagkapangulo—nasa ating mga mamamayan na ang bola, ‘ika nga. Ito na ang panahon upang kilatisin ang pagkatao, kakayanan, at mga pinaninindigan ng mga gustong makakuha ng ating sagradong boto.

Ngunit kung si Pangulong Duterte ang tatanungin, huwag daw tayong “kumuha ng bright” o mga “brilliant” na lider. Mas mabuti raw ang “ordinary-minded” na mga kandidato. Dahil hindi naman buo ang diwa ng mga sinasabi ng ating presidente, hindi natin alam kung ano ang ibig sabihin niya ng “ordinary-minded”. Hindi niya ipinaliwanag kung bakit hindi natin dapat piliin sa balota ang mga “bright” at “brilliant”.

Bagamat binibigyan ng ating Saligang Batas ng pagkakataon ang lahat ng Pilipinong tumakbo sa halalan—basta’t pasok sa tinatawag na age and residency requirements—alam naman nating hindi basta-basta ang pangangasiwa ng buong bansa, kabilang ang paggawa ng mga batas at pagpapatupad ng mga programa gamit ang pera ng bayan. Kaya maaaring kulang pa ang pagiging “ordinary-minded” upang mahusay na magampanan ang mga tungkuling nakaatang sa ating mga lider. Samantala, hindi rin naman automatic na ang mga bright at brilliant ay magiging epektibong pinuno ng bansa. Kung ang pinatutungkulan ng mga salitang ito ay ang mga nakapag-aral, magaling magsalita, o titulado, aba’y may mga ganitong pulitikong magaling ding baluktutin ang batas at gumawa ng katiwalian.

Sa isang homilya noong 2013, may inialok na gabay si Pope Francis upang kilatisin ang mga taong naglilingkod sa pamahalaan. Humility (o kapakumbabaan) at love (o pag-ibig) ang mga pangunahing katangiang mainam daw na hanapin ng mga mamamayan sa kanilang mga lider. Aniya, dapat tanungin ng bawat taong nais manungkulan sa pamahalaan ang kanilang sarili ng dalawang tanong: “Do I love my people in order to serve them better? Am I humble and do I listen to everybody, to diverse opinions in order to choose the best path?” Sa Filipino, minamahal ko ba ang mga tao nang sa gayon ay mas mabuti ko silang mapaglingkuran? Handa ba akong makinig sa lahat at sa iba’t ibang pananaw nang sa gayon ay mapili ko ang pinamamabuting landas para sa bayan?

Ang tunay na kababaang-loob at pag-ibig sa mga pinaglilingkuran ay hindi maididikta ng pagiging ordinary-minded o ng pagiging brilliant. Ngunit kung dadagdagan natin ang mga binanggit ni Pope Francis, ang ganitong mga katangian ay dapat hinahanap sa mga salita at gawa ng mga nais maging lider ng ating bayan.

Patunay ba ng kapakumbabaan ang pagtingin sa sarili bilang tanging tagapagbigay ng solusyon sa ating mga problema? Kababaang-loob ba ang pag-angkin sa mga proyektong dapat lamang nilang isakatuparan gamit ang pera ng mamamayan?

Pag-ibig ba ang pagkiling sa karahasan at pagpatay? Pag-ibig ba ang pagpapalaganap ng kasinungalingan at pagtakbo sa pananagutuan? Pag-ibig ba ang pagsamantalahan ang kahirapan at kahinaan ng mga tao upang magkaroon ng kapangyarihan?

Kung may isang tamang sinabi ni Pangulong Duterte sa kanyang lingguhang Talk to the People, ito ay ang kanyang pahayag na “it’s time for a new set of leaders.” Tama, panahon na upang magkaroon tayo ng bagong mga pinuno. Ngunit tawagin natin silang mga lingkod-bayan—mga lingkod-bayang kinikilala ang dignidad ng buhay ng tao lalo na ng mga mahihina; mga lingkod-bayang hindi balat-sibuyas at natututo sa mga puna; mga lingkod-bayang ipinapagtanggol ang totoo, tuwid, at tama.

Mga Kapanalig, paalala nga sa 1 Timoteo 2:2, “Idalangin rin ninyo ang mga maykapangyarihan, upang tayo’y makapamuhay nang matahimik, mapayapa, maka-Diyos at marangal.” Humingi rin tayo ng tulong sa Panginoon upang mapili natin ang mga pinunong tunay na maglilingkod sa mga Pilipino.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

BPO industry

 16,059 total views

 16,059 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 24,104 total views

 24,104 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 29,184 total views

 29,184 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 34,890 total views

 34,890 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 43,678 total views

 43,678 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 16,060 total views

 16,060 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 24,105 total views

 24,105 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 29,185 total views

 29,185 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 34,891 total views

 34,891 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 43,679 total views

 43,679 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 41,001 total views

 41,001 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 55,315 total views

 55,315 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 59,005 total views

 59,005 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 57,608 total views

 57,608 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 67,595 total views

 67,595 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 71,563 total views

 71,563 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 82,450 total views

 82,450 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 94,889 total views

 94,889 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng Climate Change

 105,647 total views

 105,647 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pangangalaga sa Bata para sa Kinabukasan ng Bansa

 52,900 total views

 52,900 total views Kung nais mo makita ang kinabukasan ng bansa, kapanalig, tingnan mo na lamang kung paano natin inaalagaan ang mga bata. Ito ang magtatakda ng direksyon ng ating bayan sa darating na panahon. Ang mga bata ay kayamanan ng bawat lipunan. Sila ang magmamana at magpapatuloy ng ating mga adhikain at mithiin. Ipapasa natin

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top