CBCP, nagpaabot ng pagbati kay Nobel Peace Prize awardee Maria Riza

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 776 total reads

Nagpaabot ng pagbati ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines kay Maria Ressa na tumanggap ng Nobel Peace Prize award.

Sa mensahe ni CBCP President, Davao Archbishop Romulo Valles pinasalamatan nito si Ressa sa patuloy na paghahayag ng katotohanan sa lipunan sa kabila ng iba’t ibang hamong kinakaharap.

“We are grateful that Ms. [Maria] Ressa, together with many of the distinguished and dedicated members of the fourth estate, have discerned the signs of the times and have valiantly responded and continue to respond this particular invitation,” bahagi ng pahayag ni Archbishop Valles.

October 8 nang pinarangalan si Ressa ng Nobel Peace Prize dahil sa makatarungang paggamit ng malayang pamamahayag upang ilantad ang mga pang-aabuso sa kapangyarihan, karahasan at iba pang katiwalian ng kasalukuyang administrasyon.

Sa pamamagitan ng Rappler isang digital media company for investigative journalism na itinatag ni Ressa, buong tapang nitong tinutukan ang malawakang kampanya kontra droga ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagresulta ng extrajudicial killings sa humigit kumulang 30-libong biktima.

Tinuran ni Archbishop Valles ang pagkilala ng simbahan sa kahalagahan ng malayang pamamahayag sa lipunan bilang bahagi ng demokratikong pamayanan.

Bukod pa rito ang hamon ng simbahan sa mamamahayag na wakasan ang paglaganap ng maling impormasyon at higit pairalin ang katotohanan.

“Today, all over the world, this journalistic work has become more and more difficult because of the level of disinformation and fake news that continue to spread through the means of social communications. The vocation and mission, therefore, of the members of the Press is to contribute not only for the search of truth, but more importantly, to help build a culture of dialogue,” ani ng arsobispo.

Kaugnay nito isinusulong ni Ressa ang fact-checking body sa bansa upang labanan ang paglaganap ng fake news partikular sa mga nangungunang social media platform ng bansa.

Umaasa ang arsobispo na maging ehemplo at mapagtibay ng parangal na ito ni Ressa ang pundasyon ng malayang bansa sa paghayag ng katotohan at katarungan.

“This important recognition – the first for a Filipino – would hopefully strengthen our people’s conviction to build a nation where journalism “is free, at the service of truth, goodness and justice,” giit ni Archbishop Valles.

Bukod kay Ressa kinilala rin ng award-giving body si Dmitry Muratov ng Russia dahil sa pagiging masigasig sa pagsusulong ng malayang pamamahayag sa kabila ng mapanganib na sitwasyon ng pamahalaan.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 2,837 total reads

 2,837 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 4,761 total reads

 4,761 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 13,147 total reads

 13,147 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 50,525 total reads

 50,525 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 81,796 total reads

 81,796 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 158,482 total reads

 158,482 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 252,091 total reads

 252,091 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 2,838 total reads

 2,838 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »
Scroll to Top