Ang pagtataguyod sa karapatan ng IP’s ay pagtatanggol sa integridad ng kalikasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 734 total reads

Iginiit ni Apostolic Vicariate of Bontoc-Lagawe Bishop Valentin Dimoc na magkaakibat at magkahalintulad ang pagkilala sa karapatan ng mga katutubo at kalikasan.

Ayon kay Bishop Dimoc, Chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Indigenous Peoples, ang pagpapakita ng paggalang sa karapatan ng mga katutubo ay pagtataguyod din sa karapatan ng ating nag-iisang tahanan.

“When you respect and defend the rights of the indigenous people, you also protect the integrity of the environment. When you respect and promote the rights of nature, you also uphold the rights of indigenous people,” pahayag ni Bishop Dimoc sa panayam ng Radio Veritas.

Sinabi ni Bishop Dimoc na ang paggunita rin sa Indigenous Peoples’ Sunday ay pagkilala sa mahahalagang gampanin at misyon ng mga katutubong Pilipino hinggil sa pangangalaga at pagpapanatili sa mga kagubatan at iba pang likas na yaman ng bansa.

Ito rin ang dahilan kung kaya’t makabuluhan ang pagtatapos ng Season of Creation dahil sa paglalaan ng araw para sa mga katutubong unang naatasan ng Diyos upang maging mabubuting katiwala ng ating inang kalikasan.

“The Indigenous Peoples’ Sunday is a celebration that highlights the life of the Indigenous People and concludes the Season of Creation which started on September 1… This is what it means to celebrate the Season of Creation and conclude it with the Indigenous Peoples’ Sunday,” saad ni Bishop Dimoc.

Sa tala ng National Commission on Indigenous Peoples, tinatayang aabot sa mahigit 11.3-milyon ang kabuuang populasyon ng mga katutubo sa Pilipinas.

Naitala rin na aabot na sa 71 indigenous leaders ang napaslang sa mga nakalipas na taon sanhi ng pang-uusig at pagpapaalis mula sa kanilang mga lupaing ninuno upang makapagsagawa ng mga pagmimina at plantasyon ang mga makapangyarihang kumpanya na nakapipinsala naman sa kalikasan.

Ang mga pangyayaring ito ay sumasalamin sa paglabag sa batas, partikular na sa Indigenous Peoples’ Rights Act of 1997 na dapat sana’y mangangalaga sa karapatan ng mga katutubo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 67,303 total reads

 67,303 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 146,023 total reads

 146,023 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 179,470 total reads

 179,470 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 214,767 total reads

 214,767 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 438,530 total reads

 438,530 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 157,493 total reads

 157,493 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top