CBCP-ECPPC, nakikiisa sa panawagang tuluyang pagbuwag sa death penalty

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 586 total reads

Nagpahayag ng pakikiisa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa pandaigdigang panawagan para sa pagbuwag ng parusang kamatayan sa buong daigdig.

Ito ang ibinahagi ni Diocese of Legazpi Bishop Joel Baylon, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care(CBCP-ECPPC) kaugnay sa paggunita ng World Day Against the Death Penalty.

“The Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care (CBCP-ECPPC) joins in the worldwide celebration of the World Day Against the Death Penalty and reiterates its strong opposition to capital punishment and calls for its abolition worldwide.” Ang bahagi ng pahayag ni Legazpi Bishop Joel Baylon.

Ayon sa Obispo, bukod sa isang tahasang paglabag sa dignidad at buhay ng isang indibidwal ang parusahang kamatayan ay hindi rin kailanman napatunayan na ito ay solusyon sa kriminalidad sa lipunan.

Paliwanag pa ni Bishop Baylon, maituturing din na anti-poor ang parusang kamatayan lalo na dahil sa kawalan ng kakayahan at kapasidad ng mga mahihirap na kumuha ng abogado upang maipagtanggol ang kanilang kaso sa harapan ng hukuman.

Pagbabahagi ng Obispo, hindi naaangkop ang pagkakaroon ng parusang kamatayan lalo na sa isang bansa na hindi maayos o patas ang justice system tulad ng sa Pilipinas sapagkat hindi na muling mababawi pa ang pagkitil sa buhay ng sinumang inosenteng napatawan ng parusang kamatayan.

Giit ni Bishop Baylon, ang tunay katurangan ay hindi dapat na mapaghiganti at mapagparusa sa halip ay dapat na mapagpatawad at nagsusulong ng ganap na pagsisisi at pagbabagong buhay.

“We join the worldwide clamor for the abolition of the death penalty worldwide. Let us instead work together towards the kind of justice that heals and restores the dignity of every human person.” Dagdag pa ni Bishop Baylon.

Batay sa datos ng World Coalition Against the Death Penalty, umaabot na sa 107-bansa ang nagbuwag ng parusang kamatayan kabilang na ang Pilipinas noong 2006 sa ilalim ng Administrasyong Arroyo.

Kaugnay nito nasasaad sa opisyal na pahayag ng kumisyon ang panawagan sa mas dapat na higit tutukan ng pamahalaan upang masolusyunan ang kriminalidad sa lipunan at maisaayos ang sistema ng katarungan sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 67,296 total reads

 67,296 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 146,016 total reads

 146,016 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 179,463 total reads

 179,463 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 214,760 total reads

 214,760 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 438,523 total reads

 438,523 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top