Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Krisis pangkalikasan, krisis ng kabataan

SHARE THE TRUTH

 249 total views

Mga Kapanalig, isang buwan matapos ang COP26 o ang United Nations Climate Summit, anu-ano ba ang dapat gagawin ng mga pamahalaan upang aksyunan ang climate change at ang pangalagaan ang kinabukasan ng mga bata?

Sa unang pagkakataon, naglabas ang United Nations Children’s Fund (o UNICEF) ng isang ulat na naghahanay sa mga bansa batay sa pagiging lantad ng mga ito sa climate change  at sa kakayanan ng mga batang makamit ang kanilang mga pangunahing pangangailangan. Tinawag itong Children’s Climate Risk Index. Ayon sa ulat na inilabas noong Agosto, pang-31 ang Pilipinas sa mga bansa kung saan lantad na nga ang mga bata sa mga epekto ng climate change, lubhang mahirap pa ang kanilang pagkamit ng mga basic services. Dito sa Pilipinas, maliban sa kasama sa mga mga biktima ang mga bata ng madalas na pagbaha at mga bagyo, ang hindi sapat na pamumuhunan sa mga social services katulad ng kalusugan at nutrisyon ay nakakaapekto sa pagtiyak sa maayos na kinabukasan ng mga bata.

Halos isang bilyong bata sa buong mundo ang nakatira sa mga extremely high-risk na mga bansa. Kung susumahin, isa sa bawat tatlong bata ang nakatira sa mga lugar na lantad sa apat sa mga bantang ito: pagbaha, bagyo, mga sakit, polusyon dulot ng lead, heatwave o matinding tag-init, kawalan ng tubig, at polusyon sa hangin. Gayunman, ang mga bansang kanilang pinanggalingan ay hindi naman ang mga pangunahing pinagmumulan ng carbon emissions na sanhi ng climate change. Siyam na porsyento lamang ng carbon emissions ang nanggaling sa 33 extremely high-risk na bansa. Ang ibig sabihin nito, ang mga bansang may napakaliit na kontribusyon sa carbon emissions ang nakararanas ng matitinding epekto ng climate change, at kabilang ang mga musmos sa mga nagdurusa at naghihirap.

Ang krisis pangkalikasan ay krisis ng kabataan sapagkat sila ang magmamana ng mundong matagal na nating inaabuso at ngayon ay pilit na isinasalba. Ngunit katulad ng sinabi ni Greta Thunberg, isang environmental activist na kumakatawan sa kabataan, kulang na kulang pa ang ginagawa ng mga bansa upang tugunan ang climate crisis at ang kawalan ng katarungang pinaiigting nito. Aniya, kung seryoso ang mga pamahalaan, kinakailangang mangako at, ang mas mahalaga, kumilos ang mga ito upang bawasan nang tuluyan ang carbon emissions. Ang mga mayayamang bansang umunlad dahil sa pagsira nila sa kalikasan ay may tungkuling bigyan ng pondo ang mahihirap at vulnerable na mga bansa upang mapalakas ang kanilang kakayanang tumugon sa mga epekto ng climate change at umangkop sa mga pagbabagong dulot nito katulad ng mas malalakas na bagyo at pagtaas ng tubig sa karagatan. Kung tutuparin ng mga pamahalaan ang tungkuling ito, magagawa nating mabigyan ng maayos na kinabukasan ang ating kabataan.

Ganito rin ang sinasabi ni Pope Francis—radikal at kongkretong hakbang ang kailangan upang bigyan ng pag-asa ang mga bata. Makakamit ito kung magkakaroon tayo ng sama-samang responsibilidad at pagkakaisa o solidarity upang pangalagaan ang ating nag-iisang tahanan, ang ating common home. Sabi pa ng Santo Papa sa kanyang encyclical na Laudato Si’, ang climate change ay pandaigdigang suliraning humahamon sa ating pagkatao sapagkat nagdudulot ito ng kawalang katiyakan sa kinabukasan ng mga pamilya at ng mga bata. Kung hindi natin ito aaksyunan, para na rin nating kinakalimutan ang ating pananagutan sa isa’t isa, lalo na sa mga bata.

Mga Kapanalig, sinabi sa atin ng Diyos sa Mga Bilang 35:34, “huwag ninyong dungisan ang lupaing inyong tinitirhan.” Pinapaalala sa atin na ang mundong ito ay kailangan nating pangalagaan at hindi abusuhin. Kailangan nating makitang ang krisis na ating nararanasan ay hindi lamang krisis sa ngayon kundi krisis rin ng mga henerasyong susunod sa atin.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 6,019 total views

 6,019 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 19,159 total views

 19,159 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 25,132 total views

 25,132 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 30,887 total views

 30,887 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 38,149 total views

 38,149 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 6,020 total views

 6,020 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 19,160 total views

 19,160 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 25,133 total views

 25,133 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 30,888 total views

 30,888 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 38,150 total views

 38,150 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 41,076 total views

 41,076 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 36,457 total views

 36,457 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 48,461 total views

 48,461 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 56,503 total views

 56,503 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 48,060 total views

 48,060 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 46,485 total views

 46,485 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 48,271 total views

 48,271 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 45,196 total views

 45,196 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 59,510 total views

 59,510 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 63,200 total views

 63,200 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top