Church facilities sa Diocese ng Kalookan, ginagamit na vaccination sites ng pamahalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 573 total reads

Aktibo pa rin ang Diyosesis ng Kalookan sa pakikipagtulungan sa Caloocan City government sa pagsasagawa ng vaccination drive laban sa COVID-19.

Ayon kay Kalookan Diocesan Health Care Ministry head Father Rene Richard Bernardo, patuloy na ipinapagamit ng diyosesis ang mga pasilidad ng simbahan upang maging vaccination sites sa lungsod.

Sinabi ni Fr. Bernardo na nakibahgi ang diyosesis sa ginanap ang national vaccination days ng pamahalaan noong November 29 hanggang December 1 kung saan marami ang mga nagpalista at nabahaginan ng bakuna kontra virus.

“Sa kasalukuyan po, 11 pa rin po ang ating parish sites ang ating ibinabahagi sa vaccination at nitong nakaraan pong national vaccination days, marami po ang nabakunahan. Punong-puno po ang mga facilities ng simbahan.” pahayag ni Fr. Bernardo sa panayam ng Radio Veritas.

Kabilang sa mga parokyang itinalaga bilang vaccination centers ng Diyosesis ay ang mga sumusunod:

Sa Caloocan ay ang San Roque Cathedral; Saint Gabriel the Archangel Parish; Shrine of Our Lady of Grace Parish; San Ezekiel Moreno Parish; at Notre Dame of Greater Manila. Sa Malabon naman ay ang Saints Peter and John Parish sa Potrero; San Antonio de Padua sa Barangay Tonsuya, Immaculate Conception Parish sa Concepcion; Immaculate Heart of Mary Parish sa Maysilo; at ang San Bartolome Parish de Malabon.

Habang sa lungsod naman ng Navotas ay ang San Jose Academy lamang. Samantala, batay sa huling tala ng Caloocan City LGU, nasa higit 2-milyong indibidwal na ang nabakunahan ng COVID-19 vaccine sa lungsod.

Sa nasabing bilang, nasa 1.08 million o 90 percent ng 1.2 million na target population ng lungsod ang nakatanggap na ng first dose, higit 900-libo o 77 percent ang kumpleto na sa bakuna; at nasa 16,000 naman ang nakatanggap na ng booster shots.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 100,692 total reads

 100,692 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 177,522 total reads

 177,522 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 210,970 total reads

 210,970 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 246,270 total reads

 246,270 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 468,923 total reads

 468,923 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 158,432 total reads

 158,432 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top