Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 166 total views

Mga Kapanalig, nakabibingi raw, ayon kay Vice President Sara Duterte, ang katahimikan ng iba’t ibang grupo sa mga alegasyon ng mga nagpakilalang dating miyembro ng marines na naghatid umano ng male-maletang pera sa mga pulitiko. Kasama raw sa mga tikom ang bibig ang ilang alagad ng ating Simbahan na lagi raw bukambibig ang moralidad.  

Bakit daw ang mga alegasyon laban sa kanya, kaagad na nagiging sentro ng mga hearing sa Kongreso, mga privilege speech, at kaliwa’t kanang mga panawagan para sa imbestigasyon? Bakit daw tila walang interes o agarang aksyon ang mga kinauukulan para imbestigahan ang katotohanan sa likod ng bilyun-bilyong suhol umano na may kinalaman sa mga flood control projects? Bakit tila dedma ang mga kritiko niya sa isyu ng pagbibigay ng lagay sa mga imbestigador ng International Criminal Court?

Dagdag pa niya, “Anger over the issue of corruption should not be selective. You can’t just choose who to investigate. And one cannot remain silent when those involved are close to power. The nation’s money should not be placed in a suitcase, and the truth should not be placed in silence.”

Tama naman si VP Sara: walang dapat kinikilingan ang mga galít sa katiwalian. Sabi nga natin, lahat ng sangkot sa korapsyon, dapat panagutin! 

Pero ang pagpapanagot ay dapat nakabatay sa katotohanan—hindi sa mga haka-haka, hindi sa mga gawa-gawang kuwento, hindi sa mga labu-labong akusasyon. Paalala ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan, tungkulin nating igalang at isabuhay ang katotohanan dahil sa ganitong paraan lamang nagiging maayos at mabunga ang ugnayan natin sa ating kapwa.

Sa kaso ng mga ex-marines, ilang beses na nating narinig sa mga interview sa kanila at sa tumatayo nilang abogado ang hindi pagkakatugma ng kanilang mga sinasabi. Isali ba naman nila ni Mamamayang Liberal Party-list Representative Leila de Lima sa mga nakatanggap ng mahiwagang maleta gayong hindi pa naman siya kongresista noong panahong sinasabi ng mga dating marines. Sa detalyeng ito pa lang, sablay na. Paano ito paniniwalaan ng mga nagpapahalaga sa katotohanan?

Pero sige, bigyan natin ng benefit of the doubt ang mga nagpakilalang ex-marines. Hintayin nating maglabas sila ng matibay at kapani-paniwalang ebidensya para patunayan ang kanilang mga akusasyon. Aantabayanan ito ng taumbayan. 

Ang malinaw sa ngayon, may mga ebidensyang kikilatisin sa paggulong ng proseso ng impeachment laban kay VP Sara. Kaya nga idineklara ng House Committee on Justice na “sufficient in substance” ang dalawang impeachment complaints, kabilang ang isang inihain ng grupo ni Fr Joel Saballa na aktibong pumupuna sa katiwalian sa pamahalaan. (Suki rin natin siya sa Healing Mass sa Veritas.) 

Kaya pasintabi sa ating bise presidente, pero ito muna ang bibigyang-pansin ng mga matagal nang nananawagan ng katotohanan, pagpapanagot, at malinis na pamamahala. Ilang beses na nga niyang inililihis ang atensyon ng taumbayan sa mga isyung kinasasangkutan niya. Mukhang ang pinakahuli niyang pahayag ay isa na namang pagtatangka. Isa-isa lang po, VP Sara. 

Nakapapagod man para sa ilan nating kababayan ang isyu ng impeachment, mahalaga pa rin ito dahil paraan ito para tiyaking walang mga lider ng pamahalaan ang makatatakas sa pananagutan. Kailangan nating ibalik ang ating tiwala sa gobyerno dahil kung wala ito, magpapatuloy lang sa paggawa ng baluktot ang mga tiwali. Magpapatuloy ang pag-abuso nila sa kanilang kapangyarihan. Magpapatuloy ang kahirapan at kawalang-katarungan sa ating bayan. 

Mga Kapanalig, ang pagpapanagot na batay sa katotohanan ay maituturing na “gawang makatuwiran at makatarungan” na “higit na kalugud-lugod sa Diyos kaysa mga handog,” ayon nga sa Mga Kawikaan 21:3. Ituon natin ang ating pansin sa pagsisiwalat sa katotohanan at maging mapagbantay sa mga taong pilit na itinatago ito.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 152,176 total views

 152,176 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 182,400 total views

 182,400 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 209,046 total views

 209,046 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 304,019 total views

 304,019 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 315,107 total views

 315,107 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 152,177 total views

 152,177 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 182,401 total views

 182,401 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 209,047 total views

 209,047 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 304,020 total views

 304,020 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »
Scroll to Top