KidMaCo Priests, nagsama-sama sa isang Lenten recollection

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 504 total reads

Nagtipon ang may 130 mga pari mula sa mga Diyosesis ng Kidapawan, Marbel, at Arkidiyosesis ng Cotabato para sa taunang Lenten Recollection ng Ecclesiastical Province of KidMaCo.

Ayon kay Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, layunin ng dalawang araw na pagtitipon na maihanda ang mga lingkod ng Simbahan para sa muling pagpapanibago ng kanilang pangako bilang pari sa Misa ng Krisma sa pagsapiit ng Semana Santa.

“We are here in Marbel for Lenten Recollections. KidMaCo Kidapawan, Marbel, Cotabato Clergy with the attendance of almost 130 priests. Our topic is on the Evangelical virtues of Chastity, Poverty, Obedience. This is to prepare us for the Renewal of our priestly promises on Chrism Mass of the Holy week.” Bahagi ng mensahe ni Bishop Bagaforo sa Radyo Veritas.

Kabilang sa mga natalakay sa Lenten Recollection ng Ecclesiastical Province of KidMaCo na isinagawaa sa Diyosesis ng Marbel mula March 9 – 10, 2026 ang Evangelical virtues of Chastity, Poverty, Obedience, at ang final document ng Synod on Synodality kung saan nagsilbing punong tagapagsalita si Rev. Fr. Andriano Ojoy, OP.

Tinalakay din sa naganap na pagtitipon ang ilang mga usaping panlipunan na kinahaharap ng bansa kabilang na ang usapin ng impeachment, at ang sitwasyon sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

“This is also our annual renewal of friendship, fraternity and camaraderie among us clergy of the Ecclesiastical Province of KidMaCo for 2 days (Mar9-10). It is also a time of sharing reflections and discernments on the current social issues of today like 14 marines, impeachment, barmm updates, and the recent Synod on Synodality’s final document.” Dagdag pa ni Bishop Bagaforo.

Pinangunahan ang pagtitipon ng mga punong pastol ng tatlong diyosesis na sina Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, Marbel Bishop Cerilo Alan Casicas, at Cotabato Archbishop Charlie Inzon, OMI.

Sa loob ng isang taon tatlong beses na nagtitipon ang mga lingkod ng Simbahan ng Ecclesiastical Province of KidMaCo kabilang ang sama-samang pagsailalim sa Lenten Recollection tuwing buwan ng Marso, ang patuloy na pagsasagawa ng formation tuwing buwan ng Hunyo, at ang taunang solidarity and socials tuwing buwan ng Agosto kasabay ng paggunita sa Feast of St. John Vianney na siyang patron ng lahat ng mga parish priests.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 73,916 total reads

 73,916 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 108,998 total reads

 108,998 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 144,298 total reads

 144,298 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 370,567 total reads

 370,567 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 259,929 total reads

 259,929 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top