Maging huwaran sa paggamit ng enerhiya, panawagan ng Obispo sa mga Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,306 total reads

Bilang pakikiisa sa panawagan ng pamahalaan sa pagtitipid dulot ng lumalalang krisis sa Gitnang Silangan, nanawagan si Antipolo Bishop Ruperto Santos sa mga parokya at mga institusyon ng simbahan, na maging huwaran sa tamang paggamit ng enerhiya.

Ayon sa obispo, bilang simbahan ay tungkulin ng bawat isa ng pagtuturo ng wastong pamumuhay at responsableng paggamit ng yaman.

“Hinihikayat ko ang lahat ng parokya, pamilya, at institusyon ng Simbahan na maging huwaran sa pagtitipid—sa kuryente, tubig, gasolina, at anumang likas na yaman. Ang simpleng pagpatay ng ilaw, pag-iwas sa sobrang biyahe, at pag-aalaga sa mga kagamitan ay konkretong ambag sa kabutihan ng bayan,” ayon sa bahagi ng mensahe ni Bishop Santos.

Sinabi ng obispo, na ito rin ang tamang pagkakataon na higit pang paigtingin ang mga programa ng simbahan sa pagkakawanggawa lalo na sa mga pamayanang higit na nangangailangan.

Ayon pa kay Bishop Santos, “Palalakasin natin ang ating feeding programs, community pantries, at livelihood support, lalo na para sa mga pinaka apektado—ang mahihirap, manggagawa, at mga pamilyang kapos na kapos.”

Tiniyak naman obispo na mananatili ang gampanin ng simbahan upang maging tahanan ng pag-asa sa mga nangangailangan, nakakaramdam ng pagod dulot ng mga pagsubok sa buhay.

Giit pa ni Bishop Santos, bagama’t hindi kontrolado ang pagtaas ng presyo ng langis o pandaigdigang ekonomiya ay kinakailangan ang tamang pagtugon, ang disiplina, pagkakaisa at pananampalataya.

“Sa panahon ng kagipitan, huwag tayong mawalan ng pag-asa. Sa panahon ng pagtaas ng presyo, huwag tayong mawalan ng malasakit. Sa panahon ng pangamba,huwag tayong bumitaw sa Diyos,” saad ni Bishop Santos.

Muli ring nanawagan ang obispo sa bawat mananampalataya ng patuloy na pananalangin para sa kapayapaan at hingin ang pamamagitan ng Mahal na Birhen lalo na sa panahon ng mga kinakaraharap na hamon

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 75,873 total reads

 75,873 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 110,715 total reads

 110,715 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 146,015 total reads

 146,015 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 372,284 total reads

 372,284 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 261,558 total reads

 261,558 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 12,329 total reads

 12,329 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top