Mining Hell Week, inilunsad ng ATM

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 510 total reads

Muling inilunsad ng Alyansa Tigil Mina ang “Mining Hell Week” kasama ang mga lider ng limang komunidad na nagtayo ng barikada laban sa pagmimina upang igiit ang pagpapatigil sa mapaminsalang operasyon ng pagmimina at kanselahin ang mga permit ng mga kumpanya.

Ayon kay ATM national coordinator Jaybee Garganera, layunin ng pagpunta ng mga lider sa Maynila na maiparating sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang panawagang kanselahin ang mga umiiral na mining permit sa kanilang mga lugar.

“By coming to Manila, the leaders are essentially bringing their barricades to the city, hoping the DENR will urgently address their complaints and cancel existing mining permits,” pahayag ni Garganera.

Ibinahagi ng mga lider mula sa MacArthur, Leyte; Sibuyan Island, Romblon; Homonhon Island at Manicani Island sa Eastern Samar; at Dupax del Norte, Nueva Vizcaya ang kanilang patuloy na pagbabantay at pagtatayo ng mga barikada upang pigilan ang operasyon ng pagmimina na nagdudulot ng pinsala sa kalikasan at kabuhayan ng komunidad.

Iginiit ng mga residente na dapat kanselahin ng DENR ang mga permit ng mga kumpanyang sangkot sa pagmimina dahil sa paglabag sa mga batas pangkalikasan at kakulangan ng maayos na konsultasyon sa mga apektadong mamamayan.

Kasabay ng paglulunsad ng Mining Hell Week, inilabas din ng ATM ang ulat na “UnderMining Rights: Mining-Induced Human Rights Violations and Environmental Destruction,” na tumatalakay sa mga paglabag sa karapatang pantao at pagkasira ng kalikasan dulot ng malawakang pagmimina.

Pinuna rin ni Garganera ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. dahil sa mas agresibong pagsusulong ng malakihang pagmimina na nagdudulot ng pinsala sa kalikasan at sa mga pamayanan.

“We also hope that through this report, the various issues concerning mining-affected communities, particularly human rights violations and abuses, will be surfaced and eventually addressed,” ayon kay Garganera.

Isasagawa ang Mining Hell Week mula March 9 hanggang 14, 2026 na may temang “Baha ng Mina, Barikada ang Depensa!”, tampok ang serye ng mga gawain at pagkilos sa pambansa at lokal na antas na magbibigay-diin sa mga panawagan at pakikibaka ng mga komunidad na apektado ng pagmimina.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 77,048 total reads

 77,048 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 111,791 total reads

 111,791 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 147,091 total reads

 147,091 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 373,360 total reads

 373,360 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 262,585 total reads

 262,585 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 155,082 total reads

 155,082 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top