Bishop Bagaforo, nagbabala sa mga gumagamit sa kanyang pangalan sa panloloko

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 312 total reads

Nagbabala si Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo laban sa mga nagpapanggap at ginagamit ang kanyang pangalan at pagkakakilanlan bilang lingkod ng Simbahan upang makapanglinlang ng mga mananampalataya.

Ibinahagi ng Obispo na siya ring kasalukuyang chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission for Inter-religious Dialogue ang larawan ng isang email address na ginagamit ang kanyang larawan at pangalan upang magpadala ng mensahe hindi lamang sa mga kapwa Pari kundi maging sa mga mananampalataya.

Makikita sa larawan ang litrato at pangalan ni Bishop Bagaforo na may email address na ‘[email protected]’. Paglilinaw ni Bishop Bagaforo na siya ring kasalukuyang Co-President ng Pax Christi International, hindi niya pagmamay-ari ang nasabing email address kaya naman ang anumang mensahe mula rito ay walang katotohanan at hindi dapat pagkatiwalaan.

Paalala ng Obispo, sakali mang makatanggap ng mga kaduda-dudang mensahe o solicitation letter lalo na sa pamamagitan ng online ay marapat na agad makipag-ugnayan sa tanggapan ng parokya o ng diyosesis upang matiyak ang pagiging lehitimo ng natanggap na sulat o mensahe.

“Baka others have received such scam, someone is using my name and sending emails. His fake email address is [email protected]. My appeal, if ever others have received that they ignored it, that they check if the sending email.is really me in my correct email add.” Bahagi ng abiso ni Bishop Bagaforo sa Radyo Veritas.

Kaugnay nito patuloy na pinapaalalahanan ng Simbahang Katolika ang mananampalataya na mag-ingat laban sa mga mapagsamantalang indibidwal o grupo na ginagamit ang pangalan ng Simbahan, kongregasyon, cardinal, obispo, pari, madre at iba pang lingkod ng Simbahan upang makapanglinlang at makapangalap ng pinansyal na donasyon.

Pagkalinga sa mga estudyante, tiniyak ng UST

 15,899 total reads

 15,899 total reads Binigyang-diin ni University of Santo Tomas (UST) Secretary General Father Louie Coronel, O.P. na hindi kailanman mag-iisa ang mga bagong estudyante ng Unibersidad

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 79,118 total reads

 79,118 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 115,906 total reads

 115,906 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 146,623 total reads

 146,623 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 196,337 total reads

 196,337 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 257,936 total reads

 257,936 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top