Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 982 total views

Mga Kapanalig, “the era of global warming has ended; the era of global boiling has arrived.”

Iyan ang babala ni UN secretary general António Guterres matapos kumpirmahin ng mga siyentipiko at dalubhasa sa World Meteorological Organization at Copernicus Earth Observation Programme ng European Union na ang buwan ng Hulyo ngayong taon ang pinakamaiinit na buwan on record. Sa mga bansa sa hilaga, ito ang pinakamatinding tag-init o summer. (Kung napanood niyo sa balita, nilamon ng apoy o wildfires ang isla ng Maui sa Hawaii, isang trahedyang pinalubha ng matinding tagtuyot o drought doon.) Sa iba pang bahagi ng mundo, kabilang ang Pilipinas, matitinding kalamidad ang dala nito. (Sariwa pa rin ang pinsalang iniwan ng pinakahuling mga bagyo at habagat sa ating bansa.) Tayong mga tao mismo ang may kasalanan, pagbibigay-diin ng pinuno ng UN. 

Ang patuloy na pag-init—at ngayon nga ay pagkulo—ng daigdig ay pinalalalà ng polusyong bumabalot sa himpapawid at nagta-trap sa init mula sa araw. Kung wala ang polusyong ito na binubuo ng tinatawag na mga greenhouse gases, tatalbog pabalik sa kalawakan ang init na dumarating sa ating planeta. Hindi natin nagagawang kontrolin ang pag-init na ito dahil hinahayaan ng mga pamahalaan sa iba’t ibang bansa—lalo na ang mga makapangyarihan—ang patuloy na pagbuga ng greenhouses gases. Marami pa rin ang nakasalalay sa maruming enerhiya—enerhiyang nalilikha sa pamamagitan ng pagsusunog ng coal at petrolyo—sa halip na gumamit ng mas malinis na enerhiya katulad ng init mula sa araw, lakas ng hangin, daloy ng dagat, at iba pa. Sa maruming enerhiya kasi may kikitain ang malalaking kompanyang bumubuhay sa ekonomiya ng malalaking bansa. 

Ngunit may pananagutan pa rin—at malaking maiaambag—ang maliliit na bansang katulad ng Pilipinas. Sa isang bansang sagana sa natural na mapagkukunan ng malinis na enerhiya katulad ng init ng araw, hangin, at alon ng dagat, nakalulungkot na malaking bahagi ng enerhiyang ating ginagamit ay mula sa maruming sources katulad ng coal at langis. Ang kuryenteng ginagamit natin, halimbawa, ay mula sa enerhiyang nililikha sa pamamagitan ng pagsusunog ng coal. Noong 2022, 60% ng enerhiyang nilikha para sa kuryente ay mula sa coal.

At patuloy pa ang pagdami ng mga sasakyang gumagamit ng langis na nagbubuga rin ng polusyon. Dito sa Metro Manila, bago pa ang pandemya, 88% na ng mga carbon emissions ay mula sa mga sasakyan. Kahit pa may mas malinis na uri ng petrolyong maaaring gamitin ang mga kotse at motorsiklo, polusyon pa rin ang ibinubuga nito sa hangin. Kapag pumunta ka nga sa mas mataas na lugar o kapag ikaw ay nasa himpapawid, makikita ang maitim ng usok na bumabalot sa Metro Manila. 

Sa tindi ng pinsalang dala ng mga kalamidad na pinalulubha ng climate change, dapat lamang na sumama ang Pilipinas sa pagpapanagot sa malalaking bansang may mas maraming greenhouse gases. Ngunit maging huwaran din sana tayo sa paglinang at paggamit ng mas malinis na enerhiya o renewable energy. Gagawin naman daw ito ng gobyerno, bagamat magiging mabagal. Maaari din itong gawin kung pagbubutihin ang pampublikong transportasyon, lalo na sa mga lungsod. Kailangang mahikayat ang marami na huwag nang gumamit ng pribadong sasakyan, bagay na mukhang mahirap magawa kung wala tayong maayos at maginhawang mga tren, bus, at iba pang sasakyang pangmaramihan. 

Mga Kapanalig, huwag sana nating hayaang maging isang malaking tambak ng dumi—an immense pile of filth—ang ating planeta, gaya ng binanggit ni Pope Francis sa Laudato Si’. Bilang mga katiwala sa sanilikha, bagay na ipinahihiwatig sa Genesis 2:15, tayong lahat—sa pangunguna ng gobyerno—ay may responsabilidad na hindi lubusang malusaw ang lahat sa kumukulong planeta. 

Sumainyo ang katotohanan. 

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

May katarungan ang batas

 13,082 total views

 13,082 total views Mga Kapanalig, sinasabi sa mga panlipunang turo ng Simbahan na sa isang demokratikong estado, ang mga may pulitikal na kapangyarihan ay nananagot sa taumbayan. Nakasaad din ang prinsipyong ito sa ating Saligang Batas: ang mga pampublikong gampanin o opisina ay mula sa tiwala at kapangyarihan ng taumbayan. Ito ang tinutungtungan ng mga nagsampa

Read More »

Filipino Voters

 27,644 total views

 27,644 total views Matapos mapaltalsik sa panunungkulan ang diktaduryang rehimen ng dating pangulong Ferdinand Marcos Sr., sa pamamagitan ng makasaysayang “EDSA people power” bloodless revolution kung saan may malaking bahagi ang Radio Veritas, Ang Radyo ng Simbahan.. Nawakasan nating mga Pilipino ang martial law at rehimeng Marcos noong January 17,1981 at nai-akda ang 1987 Philippine constitution

Read More »

Anti Agri-Cultural Smuggling Act Of 2016

 33,761 total views

 33,761 total views Ang Republic Act (RA)10845 ay nire-repeal ang RA 12022 o Anti Agricultural Sabotage Act. Kapanalig, bago ma-repeal ang RA 12022 ng RA 10845 may naparusahan na ba sa mga lumabag sa batas na mga cartel at smugglers ng agricultural at fisheries products? Marami na tayong batas laban sa mga rice cartels at profiteering,

Read More »

Disinformation At Polarization

 40,605 total views

 40,605 total views The dangers of new communication technologies. Sa paggunita ng ika-59 World Communications day, pinuna ni Pope Francis ang “era of disinformation and polarization”. Pinuna ng Santo Papa ang mga makapangyarihang social networks na nagdudulot lamang ng “fanaticism at hatred”. Bilang pagkilala sa mga mamamahayag, nauunawaan ng Santo Papa ang hirap, sakripisyo at responsibilidad

Read More »

Pagkamamamayang for sale?

 47,625 total views

 47,625 total views Mga Kapanalig, ano nga ba ang kahulugan ng pagiging isang Pilipino? Sa isang bill na inihain ni Congressman Joey Salceda para bigyan ng Filipino citizenship ang negosyanteng Tsino na nagngangalang Li Duan Wang, sinabi niyang taglay ng dayuhan ang mga katangian ng isang tunay na Pilipino: mapagmahal, mapagbigay, magalang, mabuti, matapat, nagsusumikap, at

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

May katarungan ang batas

 13,083 total views

 13,083 total views Mga Kapanalig, sinasabi sa mga panlipunang turo ng Simbahan na sa isang demokratikong estado, ang mga may pulitikal na kapangyarihan ay nananagot sa taumbayan. Nakasaad din ang prinsipyong ito sa ating Saligang Batas: ang mga pampublikong gampanin o opisina ay mula sa tiwala at kapangyarihan ng taumbayan. Ito ang tinutungtungan ng mga nagsampa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Filipino Voters

 27,645 total views

 27,645 total views Matapos mapaltalsik sa panunungkulan ang diktaduryang rehimen ng dating pangulong Ferdinand Marcos Sr., sa pamamagitan ng makasaysayang “EDSA people power” bloodless revolution kung saan may malaking bahagi ang Radio Veritas, Ang Radyo ng Simbahan.. Nawakasan nating mga Pilipino ang martial law at rehimeng Marcos noong January 17,1981 at nai-akda ang 1987 Philippine constitution

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Anti Agri-Cultural Smuggling Act Of 2016

 33,762 total views

 33,762 total views Ang Republic Act (RA)10845 ay nire-repeal ang RA 12022 o Anti Agricultural Sabotage Act. Kapanalig, bago ma-repeal ang RA 12022 ng RA 10845 may naparusahan na ba sa mga lumabag sa batas na mga cartel at smugglers ng agricultural at fisheries products? Marami na tayong batas laban sa mga rice cartels at profiteering,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Disinformation At Polarization

 40,606 total views

 40,606 total views The dangers of new communication technologies. Sa paggunita ng ika-59 World Communications day, pinuna ni Pope Francis ang “era of disinformation and polarization”. Pinuna ng Santo Papa ang mga makapangyarihang social networks na nagdudulot lamang ng “fanaticism at hatred”. Bilang pagkilala sa mga mamamahayag, nauunawaan ng Santo Papa ang hirap, sakripisyo at responsibilidad

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkamamamayang for sale?

 47,626 total views

 47,626 total views Mga Kapanalig, ano nga ba ang kahulugan ng pagiging isang Pilipino? Sa isang bill na inihain ni Congressman Joey Salceda para bigyan ng Filipino citizenship ang negosyanteng Tsino na nagngangalang Li Duan Wang, sinabi niyang taglay ng dayuhan ang mga katangian ng isang tunay na Pilipino: mapagmahal, mapagbigay, magalang, mabuti, matapat, nagsusumikap, at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kampanya na!

 44,566 total views

 44,566 total views Mga Kapanalig, nagsisimula ngayong araw, ika-11 ng Pebrero, ang campaign period para sa mga kandidatong tumatakbo para mga pambansang posisyon. Sinong mag-aakalang may opisyal na campaign period pala? Malayung-malayo pa ang eleksyon, kaliwa’t kanan na ang mga patalastas sa TV, radyo, diyaryo, at maging sa social media ng mga pulitiko. Tadtad ng mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Simbahang nakikilahok

 46,868 total views

 46,868 total views Mga Kapanalig, noong huling araw ng Enero, iba’t ibang grupo ang nagkasá ng kilos-protesta para protektahan ang pondo ng bayan. Pangunahing panawagan nila ang pagbibigay-linaw ng administrasyon sa ipinasá nitong budget para ngayong taon. Ikinababahala kasi ng mga grupong ito na baka magamit ang pera ng bayan para sa mga proyektong gagatasan ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bible Mahalaga Sa Pagbuo Ng Isang Batas

 46,391 total views

 46,391 total views KAPANALIG, nalalapit na naman ang 2025 Midterm national at local elections… Lumabas sa pag-aaral ng PEW Research Center na mayorya sa mga Filipino ang nagpahayag na malaki ang papel ng bibliya(bible) sa pagbuo ng national law sa PIlipinas. Sa survey ng PEW, 51-porsiyento ng mga Filipino ang naniniwalang malaki ang impluwensiya ng “Bible”

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Budgetary Banditry

 51,028 total views

 51,028 total views Kapanalig, ang “banditry” isang uri ng organized crime na ginawa ng mga “outlaws” o sa madaling salita ay criminal. Bakit ginamit ang “budgetary banditry” sa 2025 General Approrpiations Act (GAA)? Bakit, itinuturing na “outlaws” ang mga mambabatas na nagpasa ng 2025 General Appropriations Act at Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na siyang lalagda sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkakaisa, lunas sa pagkakanya-kanya

 52,304 total views

 52,304 total views Mga Kapanalig, kasabay ng pagkakaluklok muli sa puwesto ni US President Donald Trump ang paglagda niya sa isang executive order (o EO) na pansamantalang inihihinto ang lahat ng foreign aid ng Estados Unidos. Layunin ng EO na pag-aralan ang lahat ng foreign aid at siguruhing isinusulong ng mga ito ang interes ng mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang online hukuman

 53,787 total views

 53,787 total views Mga Kapanalig, noong katapusan ng Enero, nag-viral ang isang Facebook post kung saan inakusahan ng sexual harassment ang isang driver ng isang TNVS o transportation network vehicle service. Ikinuwento ng nag-post, na isang estudyante, na kinailangan nilang bumabâ ng kapatid niya sa kalagitnaan ng biyahe nila pauwi, dahil sa kalaswaang ginawa diumano ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pananagutan para sa katarungan

 60,884 total views

 60,884 total views Mga Kapanalig, hinahamon tayo ng Diyos na pairalin ang katarungan sa ating bayan.  Ayon sa Jeremias 22:3, “Pairalin ninyo ang katarungan at katuwiran. Ipagtanggol ninyo ang mga naaapi laban sa mapagsamantala.” Para sa Diyos, ang pananagutan natin sa isa’t isa ang magiging daan upang mabuhay tayo sa katarungan. Isang halimbawa ng paraan natin

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pag-uusap, hindi pananakot

 70,584 total views

 70,584 total views Mga Kapanalig, sa pagitan ng mga taóng 2021 at 2022, tumaas ng 35% ang bilang ng mga babaeng edad 15 pababa na nabuntis. Base ito sa datos na nakalap ng NGO na Save the Children. Ang mga taóng ito ang kasagsagan ng pandemya.  Lubhang nakababahala ito.  Hindi handa ang katawan ng isang batang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Araw-araw na kalupitan

 67,755 total views

 67,755 total views Mga Kapanalig, noong Disyembre pa nang makunan ang nag-viral na video kamakailan kung saan makikitang hinablot ng security guard ng isang mall ang panindang sampaguita ng isang babae. Tila inambahan pang saktan ng guwardya ang babae nang umalma siya. Napukaw ang interes ng publiko sa nangyaring ito. Inalam ng media at ng DSWD

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwad na kapayapaan

 64,768 total views

 64,768 total views Mga Kapanalig, sa sulat ni San Pablo sa mga Taga-Roma, sinabi niya, “Ang bawat tao’y dapat pasakop sa mga pinuno ng pamahalaan, sapagkat walang pamahalaang hindi mula sa Diyos, at ang Diyos ang nagtatag ng mga pamahalaang umiiral. Kaya nga, ang lumalaban sa pamahalaan ay lumalaban sa itinalaga ng Diyos.”  Madalas gamitin ang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top