Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

LCP Chaplaincy, nanawagang ipadama ang pagmamalasakit sa mga maysakit na TB

SHARE THE TRUTH

 2,817 total views

Tiniyak ng Department of Health na higit na tututukan ang pagsusulong ng mga programa hinggil sa nakahahawang sakit tulad ng Tuberculosis (TB).

Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, mahalaga ang test, trace, and treat sa pagtugon sa TB upang hindi humantong sa mas malalang kalagayan.

Ang pahayag ni Herbosa ay kasabay ng paggunita sa National Lung Month ngayong Agosto, at National TB Day noong Agosto 19.

“Kapag infectious disease, active case finding which is testing, x-ray, at tsaka yung sputum analisys at then gene expert. Tapos treat, magamot sils. Matagal ‘yung gamutan six months, of course matapos nila ‘yun,” pahayag ni Herbosa.

Mahigpit na paalala ng kagawaran sa mga mayroong TB ang patuloy na gamutan na hindi bababa sa anim na buwan upang hindi maging drug resistant dahil maaaring tumagal ang gamutan hanggang 24-buwan o humantong sa pagkasawi.

Naipapasa ang TB kapag nalanghap ang mikrobyo mula sa hanging galing sa ubo o bahing ng taong mayroon nito, taliwas sa paniniwalang maaaring namamana o napapasa ang sakit sa pamamagitan ng mga gamit ng apektado ng karamdaman.

Samantala, tiniyak din ng Lung Center of the Philippines Chaplaincy ang pagsuporta sa mga programa at layunin ng DOH para mapabuti ang kalusugan ng mamamayan.

Nangako naman si LCP Chaplain Fr. Almar Roman, MI na patuloy na gagampanan ang tungkulin upang ipanalangin at gabayan ang mga pasyente, at muling matagpuan ang pag-asa sa kabila ng mga pagsubok.

“‘Yung ministry of presence and listening ay napakahalaga para sa mga pasyente at kanilang pamilya na nandito sa LCP. Ito ‘yung patuloy na ginagawa ng chaplanicy para mailapit at maipadama namin sa kanila ang presensya ng Panginoon,” pahayag ni Fr. Roman sa panayam ng Radio Veritas.

Hinimok din ni Fr. Roman ang publiko na huwag isantabi ang mga pasyente lalo na ang may TB, at sa halip ay ipadama ang pagmamalasakit at pagmamahal upang maibsan ang mga pasanin mula sa karamdaman.

Batay sa huling tala ng DOH, 70 Filipino ang naiuulat na nasasawi kada araw dahil sa TB.
Una nang nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Health Care na higit na pagtuunan at ipadama ang pagmamahal sa mga may karamdaman.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 28,681 total views

 28,681 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 39,811 total views

 39,811 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 65,172 total views

 65,172 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 75,620 total views

 75,620 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 96,471 total views

 96,471 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, pinaghahandaan ang ika-75 anibersaryo

 1,064 total views

 1,064 total views Pinaghahandaan na ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pagdiriwang sa ika-75 anibersaryo nito sa darating na Oktubre, 2025. Ayon kay LAIKO National President

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top