Labanan ang gutom at malnutrisyon, panawagan ng Santo Papa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,206 total reads

Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga pinuno ng buong mundo na magkaisa sa paglaban sa gutom at malnutrisyon bilang daan tungo sa tunay na kapayapaan.

Sa pagdiriwang ng World Food Day at ika-80 anibersaryo ng Food and Agriculture Organization (FAO) sa Roma, muling pinagtibay ng Santo Papa ang pakikiisa ng Simbahang Katolika sa layuning wakasan ang gutom at itaguyod ang dignidad ng bawat tao.

Sa harap ng mga lider ng United Nations at iba’t ibang bansa, sinabi ng Santo Papa na hindi sapat ang puro pananalita.

“We cannot be content with proclaiming values; we must embody them,” ani Pope Leo. “Slogans do not lift people from misery. We must place the human person above profit and guarantee food security, access to resources, and sustainable rural development.”

Binigyang-diin ng Santo Papa na kahit 80 taon matapos maitatag ang FAO, milyon-milyon pa rin ang nagugutom at kulang sa nutrisyon.

Ayon sa datos, mahigit 673 milyong tao ang natutulog nang walang pagkain, habang 2.3 bilyon naman ang walang sapat na masustansyang pagkain. Para kay Pope Leo, hindi ito basta bilang kundi mga “broken lives and mothers unable to feed their children.”

Kinondena rin ng Santo Papa ang aniya’y “ekonomiyang walang kaluluwa’ at tinawag ang patuloy na pag-iral ng gutom sa panahon ng kasaganaan bilang isang kolektibong pagkukulang sa moralidad at pagkukulang sa kasaysayan.

Ikinababahala rin ng pinunong pastol ang paggamit ng pagkain bilang sandata sa digmaan.

“Food must never be a weapon…The silence of those dying of hunger cries out in the conscience of humanity,” ayon pa kay Pope Leo XIV.

Panawagan sa Pagkakaisa

Kasabay ng tema ng World Food Day na “Water is life, water is food. Leave no one behind,” nanawagan ang Santo Papa ng pagkakaisa sa halip na pagkakahati, na hindi lamang nararapat, kundi tungkulin ng bawat isa.

Pinasalamatan din ni Pope Leo ang mga kababaihan bilang tahimik na haligi ng katatagan at unang nagdadala ng pag-asa.

Sa pagtatapos ng kanyang talumpati, ipinaalala ng pinunong pastol ang mga salita ni Hesus sa mga alagad bilang paalala ng tungkuling tumulong sa nangangailangan. Hinimok niya ang lahat na huwag mapagod sa pananalangin at paggawa para sa tunay na katarungan at kabutihan ng lahat.

Tiniyak din ng Santo Papa ang patuloy na pakikiisa ng Vatican at ng Simbahang Katolika sa paglilingkod sa mga mahihirap at naaapi sa buong mundo.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 8,942 total reads

 8,942 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 63,635 total reads

 63,635 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 149,000 total reads

 149,000 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 195,737 total reads

 195,737 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 243,609 total reads

 243,609 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 344,430 total reads

 344,430 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top