Laganap na pang-aabuso sa kababaihan at kabataan, ikinadismaya ng Madre

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

Dismayado ang Missionary Benedictine nun na si Sr. Mary John Mananzan, O.S.B sa patuloy na mga pang-aabuso na dinaranas ng mga kabataan at kababaihan sa kasalukuyang modernong panahon.

Ito ang ibinahagi ng Madre na siya ring Director ng St. Scholastica’s College Institute of Women’s Studies (IWS) sa naganap na online Ecumenical gathering bilang paggunita ng International Women’s Day ngayong taon.

Ayon kay Sr. Mananzan, ang Online Sexual Abuse and Exploitation of Children ang isa sa mga suliraning kinahaharap ng mga kabataan at kababaihan sa bansa.

Ipinaliwanag ng Madre na nakababahala at hindi katanggap-tanggap ang pang-aabuso kung saan kadalasan ay mga magulang at kaanak pa ang naglalantad sa mga biktima.

Binigyang diin rin ni Sr. Mananzan na isang kahihiyan para sa bansa na matukoy ng United Nations Children’s Fund (UNICEF) bilang sentro ng naturang cybercrime laban sa mga kababaihan at mga kabataan.

“Meron tayong bagong stage of struggle yung tinatawag na OSAEC o Online Sexual Abuse and Exploitation of Children through Cyber yung tinatawag na Cyber Crime. I want to call your attention on it because the UNICEF has said that the Philippines is the vortex, is the center of this OSAEC and that is such a shame kasi maraming kabataan po kababaihan yan although hindi lang kababaihan pero yan po ang new part of our struggle and I want to ask all of you to take part in this struggle against this cybercrime” pahayag ni Sr.Mananzan

Kaugnay nito nanawagan rin ang Madre sa bawat isa na maging mapagbantay sa pamayanan kaugnay sa mga pang-aabuso na kinahaharap ng mga kabataan at kababaihan.

“So I would like to ask everybody who is here now [online celebration] to really pay attention to this OSAEC that is happening in your neighborhood and really make an effort to fight against..”panawagan ng madre.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Krisis sa bukid at laot

Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng mga mamamayan.

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa Barangay Batasan

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas kundi isang

Read More »

Patibong ng kasamaan

Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay nagkukunwaring anghel

Read More »

Anyare sa ICI?

Mga Kapanalig, mahigit anim na buwan mula nang itatag ang Independent Commission for Infrastructure (o ICI), inanunsyo na ang pagbuwag nito sa darating na Martes,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top