Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Lahat ng Senior Citizens, garantisado sa PhilHealth

SHARE THE TRUTH

 70,185 total views

Muling ginarantiyahan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na may benepisyong makakamtan sa panahon ng pagpapa-ospital at maging sa paggamit  ng primary care  services sa buong bansa.

Ito ay tiniyak ng PhilHealth sa pagtatapos ng paggunita sa mga nakatatandang Filipino ngayong buwan kung saan naging bahagi ng  selebrasyon ang  pirmahan ng isang kasunduam sa pagitan ng PhilHealth at National Commission of Senior Citizen.

Ito ay para mas mapagbuti ang membership database system,  mapalawak pa ang mga benepisyo at mapabuti ng serbisyo para sa 13.8 milyong nakatatanda at dependents nila sa ilalim ng Lifetime at Senior Citizens Program ng PhilHealth.

Pinaalalahanan din ng Ahensya na ang lahat ng nakatatanda ay maaaring makagamit ng ilang outpatient benefits, Z Benefit Packages at ng Konsulta o Konsultasyong Sulit at Tama Package kung saan sila ay prayoridad.

Kasama sa PhilHealth Konsulta Package ang targeted health risk screening at assessment, initial at follow-up consultations, mga piling laboratory test at gamot batay sa rekomendasyon ng primary care provider na pinili nila at kung saan sila nakarehistro.

Kabilang sa mga laboratoryo ay complete blood count with platelet count, urinalysis, fecalysis, sputum microscopy, fecal occult blood, Pap smear, lipid profile, fasting blood sugar, oral glucose tolerance test, electrocardiogram, creatinine at HbA1c.

Samantala, kasama rin sa Konsulta Package ang mga gamot na anti-microbial, anti-asthma, antipyretics, anti-dyslipidemia, anti-diabetic, at anti-hypertensive, anti-thrombotic, anti-histamines, at fluids at electrolytes para sa dehydration.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 18,380 total views

 18,380 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 34,468 total views

 34,468 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 72,185 total views

 72,185 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 83,136 total views

 83,136 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 26,623 total views

 26,623 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »

RELATED ARTICLES

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 63,159 total views

 63,159 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 88,974 total views

 88,974 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 129,758 total views

 129,758 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Scroll to Top