Bagong Pinuno ng PhilHealth, nanawagan ng pagkakaisa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 77,481 total reads

Hinikayat ng bagong pinuno ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth na si Emmanuel R. Ledesma, Jr. ang lahat ng kawani ng PhilHealth na magtulungan at magkaisa para maisakatuparan ang layunin ng National Health Insurance Program.

“We’re in the same team (kaya) magtulungan tayo, let’s all work together and move forward together,” pahayag ni Ledesma sa kanyang maikling mensahe nito lamang Lunes sa nationwide virtual flag ceremony ng ahensya. Hinikayat din niya ang mga empleyado na  magtrabaho bilang pagsuporta sa mga ospital at duktor na pawang partners ng PhilHealth para sa mga pasyente.

Dagdag pa ni Ledesma, ang tunay na kalaban ng lahat ay ang iba’t-ibang sakit at kondisyong pangkalusugan  ng mga pasyenteng Filipino na nangangailangan ng suportang pinansyal para sa gastusin sa pagpapagamot.

Si Ledesma ay itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. bilang Acting President and Chief Executive Officer ng PhilHealth at miyembro ng Board of Directors bilang Expert Panel. Siya ay nanumpa sa harap ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin sa isang simpleng seremonya sa Malacañang Palace noong Nobyembre 24, 2022.

Siya ay nagtapos ng Bachelor of Science major in Economics, na nakatuon sa Management sa University of the Philippines. Mayroon din siyang Master’s Degree sa Business Administration, major in Finance, Management and Strategy, mula sa J.L. Kellogg Graduate School of Management – Northwestern University sa Evanston, Illinois.

Dati siyang naging Pangulo at Punong-tagapagpatupad ng Power Sector Assets and Liabilities Management (PSALM) Corporation sa loob ng limang taon. Tulad din ng PhilHealth, ang PSALM Corporation, ay isang government–owned and controlled corporation.

Si Ledesma ay dalubhasa sa banking at corporate finance, at may malawak na karanasan sa local at international banks, gaya ng Philippine Commercial International Bank, Royal Bank of Canada, at PCI Capital Corporation. Siya rin ay nagsilbi bilang Direktor/Bise Presidente ng Morgan Stanley and Co., Inc., Private Wealth Management Group, sa loob ng 12 taon.  Siya ay kilala rin sa larangan ng power at energy consultancy.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 74,725 total reads

 74,725 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 109,661 total reads

 109,661 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 144,961 total reads

 144,961 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 371,230 total reads

 371,230 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 260,557 total reads

 260,557 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 295,072 total reads

 295,072 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 407,144 total reads

 407,144 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top