VeritasPH

The Word, The Truth

 1,028 total views

2nd Sunday of Advent

Catholic Handicapped Day & National Aids Sunday

Is 11:1-10 Rom 15:4-9 Mt 3:1-12

Napakinggan natin kanina kay San Pablo: “Anumang nasa kasulatan noong una ay nasulat upang matuto tayo, sapagkat lumalakas ang ating loob at nagkakaroon ng pag-asa kapag binabasa natin ang mga aral na matatagpuan dito.” Ngayong Linggo pinipresenta sa atin ng Biblia ang dalawang gabay sa panahon ng Adbiyento upang matuto tayo paano tanggapin si Jesus. Ang una ay si propeta Isaias at ang pangalawa ay si San Juan Bautista. Si propeta Isaias ay nagbibigay ng pag-asa at si San Juan Bautista ay nabibigay ng hamon.

Ang darating ay galing sa lahi ni Jesse ayon kay Isaias. Si Jesse ay ang tatay ni David. Ang batang darating ay isang hari na pinupuspos ng Banal na Espiritu kaya nasa kanya ang mga biyaya ng katalinuhan, ng kaalaman, ng karunungan, ng kalakasan at pagkatakot sa Diyos. Ginagamit niya ang mga biyayang ito upang ipagtanggol ang karapatan ng mga kawawa, upang bigyan ng katarungan ang mga mahihirap, at upang hatulan ng parusa ang mga malulupit at mayayabang na makapangyarihan. Hindi ba ito ang hinahangad-hangad natin na maayos at makatarungang pamumuno? May pag-asa tayo na ito ay darating kasi ito ay pangako ng Diyos. Asahan natin ito.

Itong uri ng pamumuno ang dadalhin ni Jesus pagdating niyang muli. Kaya nga ang adbiyento ay panahon ng pag-asa. Sa pamamahala ng haring ito, wala nang alitan at patayan. Ang mundo ay magiging parang isang bundok ng Diyos na ang mga magkaaway ay magkasama-sama na walang gulo: ang leon at ang kambing, ang baka at ang oso, ang asong-gubat at ang kordero, ang bata at ang ahas. Sama-sama silang maglalaro at magiging masaya, para bang ang taga-Ukraine at Russians ay sama-sama nang magsasayaw, ang mga Palestinians at mga Hudyo ay maglalaro ng basketball, ang mga military at mga NPA ay nagsising-along.

Hindi ba magiging maganda ang mundong ito? Paano mangyayari ang mga ito? Kung ang buong mundo ay mapupuno ng pagkilala sa Panginoong Diyos tulad na ang dagat ay puno ng tubig. Ang pagkilala sa Diyos ay ang magdadala ng kapayapaan at katarungan. Umasa tayo na ang ating pagpapahayag ng mga aral ng Diyos ay magbibigay ng magandang pagpapanibago sa mundo. Kaya mahalaga ang papel ng mga katekista, ng mga preachers, ng mga pari at mga tagapagturo tungkol sa Diyos.

Si Juan Bautista naman ay nagbibigay ng hamon sa atin. Hinahamon tayo na magbago, na magsisi. Nalalapit nang maghari ang Diyos. Tanggapin natin ang paghahari niya ng buong pananabik. Tanggalin natin ang anumang hadlang sa kanyang pagdating sa ating buhay. Kaya tuwirin na ang ating buhay. Ipakita natin ang ating pagsisisi sa pagbabago ng ating buhay. Hindi lang iwasan ang kasamaan. Mamunga na rin tayo ng kabutihan. Nakaabang na ang palakol sa ugat ng punongkahoy. Ang hindi namumunga ng kabutihan ay puputulin at ihahagis sa apoy. Hawak na niya ang kalaykay upang ihagis sa apoy ang mga dayami, iyong mga walang kwenta. Pero iyong mga palay, iyong mga bunga ng kabutihan ay dadalhin sa kanyang kamalig. There is a sense of urgency. Ngayon ay kumilos na tayo. Huwag nang ipasabukas pa ang paggawa ng kabutihan.

Kung ibig natin na maging masaya ang pasko natin, pinaghahandaan na natin ito. Pinagplaplanuhan na natin ang ating Christmas party. Bumibili na ng mga regalo. Nagdedecorate na ng mga bahay. Iyan ay para sa pagdiriwang ng pasko na pansamantala lang. Ano kaya ang permanenteng pagdating ni Jesus sa ating buhay? Hindi niya ipinaalam kung kailan ito upang palagi tayong maging handa, palagi tayong kumikilos at hindi nagpapabaya.

May isa pang gabay sa ating paghahanda. Iyan ay si Maria, ang Ina ni Jesus. Wala nang mas handa pa sa pagtanggap ng anak kaysa ang kanyang ina. Hindi lang si Maria handa. Inihanda siya ng Diyos. Sa darating na Huwebes, December 8, ipagdiriwang natin ang dakilang kapistahan ng Imaculada Concepcion. Ang ibig sabihin ng kapistahang ito ay si Maria ay ipinaglihi na walang kasalanan. Hindi nadagtaan ang laman ni Maria ng kasalanan mula pa sa simula ng kanyang buhay.

Ito ay isang biyaya sa kanya. Diyos lang ang maaaring gumawa nito dahil sa papel na gagampanan niya para sa magiging anak niya. Kukuha ang Anak ng Diyos ng kanyang lamang tao kay Maria. Mananatili ang Anak ng Diyos sa kanyang tiyan ng siyam na buwan. Nararapat lang na ang katawan niya ay hindi napailalim sa kasamaan. Kaya inihanda si Maria ng Diyos para sa kanyang misyon, kaya ang unang bati ng anghel Gabriel sa kanya ay PUNO KA NG GRASYA, at si Maria naman ay nakiisa sa plano ng Diyos noong ito ay ipaalam sa kanya. Kung si Maria ay tinulungan ng Diyos upang marapat niyang tanggapin si Jesus, tumutulong din si Maria sa atin na tanggapin natin si Jesus sa muling pagdating niya. Kaya tumingala at lumapit tayo kay Maria sa ating pag-aabang kay Jesus. Dakilang kapistahan ang Imaculada Concepcion sa Pilipinas. Kaya holiday ito. Ipangilin natin ito. Magsimba tayo sa December 8.

Ngayong Linggo sa ating simbahan ay ang Handicapped Sunday at National HIV-AIDS Sunday. Pinapaala-ala sa atin na dapat nating kalingain ang mga kapatid natin na madalas naisasantabi natin – iyong may mga kapansanan at may HIV. Kung minsan nga, kahit na sa kanilang pamilya sila ay hindi nabibigyan ng nararapat na pagkalinga kasi iba sila, hindi sila nakakasabay sa ordinaryong takbo ng buhay – maging ang kapansanan ay physical o mental, maging ito ay permanente o pansamantala lang. Ano man ang kakayahan nila, at may kakayahan sila pero iba lang sa atin kaya tinatawag silang, differently abled, sila ay nilikha ng Diyos na kawangis niya. Sila ay niligtas ni Kristo at sila ay para din sa langit. Anumang pagpapahalaga natin sa kanila ay pagpapahalaga din kay Kristo.

Isa pang kalagayan ng mga tao na tinatago natin ay ang sakit na HIV-AIDS. Ito po ay isang sakit na wala pang lunas. Pero ito ay maiiwasan kung ang lifestyle natin ay sumusunod sa ABC: A – abstinence, iwas sa pakikipagtalik sa iba. B – Be faithful, maging tapat ka sa iyong asawa, isang partner lang. C – chastity, maging dalisay sa iyong mga relasyon sa iba. Huwag din nating ituring na parusa ang may HIV. Huwag natin silang husgahan, kasi nakukuha din ito sa iba pang paraan at hindi lang sa sex. At ang lahat ng may sakit ay ating tinutulungan, anuman ang dahilan ng kanilang pagkakasakit. Kaya umiwas sa uri ng pamumuhay na maaaring magdala sa atin ng HIV at tulungan natin ang may sakit na ganito. Ito rin ay paraan na pagtanggap natin kay Kristo.

Dumadating si Jesus sa iba’t-ibang paraan sa ating buhay. Anuman ang paraan at ang kanyang anyo sa kanyang pagdating sa atin, masaya natin siyang tanggapin at paglingkuran.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kalidad ng pagtuturo

 2,482 total views

 2,482 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 10,018 total views

 10,018 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 26,004 total views

 26,004 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 34,049 total views

 34,049 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 39,129 total views

 39,129 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 14, 2024

 1,129 total views

 1,129 total views Homily July 14, 2024 15th Sunday of Ordinary Time Cycle B Amos 7:12-15 Eph 1:3-14 Mk 6:7-13 Ang Diyos ay palaging nagpapadala. Noon, nagpapadala siya ng mga propeta. Pinadala niya ang kanyang Anak. Pinadala niya ang kanyang mga alagad kaya sila ay tinawag na mga apostol, na ang kahulugan ay ang mga pinadala.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 7, 2024

 7,258 total views

 7,258 total views Homily July 7, 2024 14th Sunday Ordinary Time Cycle B Ez 2:2-5 2 Cor 12:7-10 Mk 6:1-6 Talagang nakakataka. Ang mabuti ay mahirap tanggapin at mahirap gawin, pero ang masama ay madaling paniwalaan at madaling gawin. Mahirap maniwala ang tao na nakabubuti sa kanila ang kabutihan pero madali sundin ang masasamang gawain. Hindi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 30, 2024

 5,387 total views

 5,387 total views 13th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. Peter’s Pence Sunday Wis 1:13-15; 2:23-24 2 Cor 8:7. 8. 13-15 Mk 5:21-43 Napakaraming kasamaan ang nababalitaan natin at nararanasan – pag-aaway, karamdaman, bisyo, at marami pa. Ang pinakamasama na iniiwasan natin pero madalas na nangyayari at sinasadya pang gawin ay ang kamatayan. Ang Magandang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 23, 2024

 7,670 total views

 7,670 total views 12th Sunday of Ordinary time Cycle B Job 38:1.8-11 2 Cor 5:14-17 Mk 4:35-41 Nakakatakot talaga na datnan ng bagyo sa gitna ng dagat. Kahit na iyong malayo sa Diyos ay napapatawag sa kanya. Lahat ng santo ay natatawagan nila. Ang mga kasama ni Jesus ay mga mangingisda. Sanay sila sa dagat. Pero

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 16, 2024

 10,576 total views

 10,576 total views 11th Sunday of Ordinary Time Cycle B Father’s Day Ez 17:22-24 2 Cor 5:6-10 Mk 4:26-34 Happy Father’s Day sa mga tatay na nandito! Ang ikatlong Linggo kada buwan ng Hunyo ay Father’s Day. Pinapaalaala po sa atin ang mga tatay natin. Malaki ang influensiya nila sa atin at malaki ang utang na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 9, 2024

 11,515 total views

 11,515 total views Homily June 9, 2024 10th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 3:9-15 2 Cor 4:13-5:1 Mk 3:20-35 Bising-bisi si Jesus. Marami ang mga tao na pumupunta sa kanya at sa kanyang mga alagad. Marami ang dumadating upang magpagaling sa anumang karamdaman. Lalong marami ay dumadating upang makinig sa kanyang mga aral. May

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 2, 2024

 11,509 total views

 11,509 total views Homily June 2, 2024 Solemnity of the Most Holy Body and Blood of Christ Cycle B Ex 24:3-8 Heb 9:11-15 Mk 14:12-16.22-26 Napakalaki ng pag-ibig ng Diyos sa atin. Naging tao siya upang makapiling tayo. Kahit na siya ay umakyat na sa langit patuloy pa rin tayong pinangangalagaan. Ipinamamagitan niya tayo sa Ama.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 26, 2024

 15,227 total views

 15,227 total views Solemnity of the Most Holy Trinity Cycle B Basic Ecclesial Community Sunday Deut 4:32-34.39-40 Rom 8:14-17 Mt 28:16-20 Matapos ang makababalaghang karanasan ng mga Israelita sa paglikas nila sa Egipto at matapos ang mahabang paglalakbay nila sa disyerto ng apatnapung taon, pinaisip sila ni Moises bago sila pumasok sa lupaing ipinangako sa kanila.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 19, 2024

 17,073 total views

 17,073 total views Homily May 19, 2024 Pentecost Sunday Cycle B Acts 2:1-11 1 Cor12:3-7.12-13 Jn 20:19-23 Ang Pentekostes ay isang dakilang pista ng mga Hudyo, kaya mayroong maraming tao noon sa Jerusalem na galing sa iba’t-ibang bansa. Namimiesta sila. Sa kapistahan ng Pentekostes ipinagdiriwang ng mga Hudyo ang pagbibigay sa kanila ng mga batas ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 12, 2024

 17,070 total views

 17,070 total views Homily May 12, 2024 Ascension Sunday World Communications Sunday Mother’s day Acts 1:1-11 Eph 4:1-13 Mk 16:15-20 Bahagi ng buhay ng tao ay ang pag-welcome at ang pamamaalam. Kadalasan masaya tayo sa pag-welcome sa isang dakila o mabait na tao at malungkot tayo sa pag-alis niya. Masaya tayo sa pagtanggap sa auntie na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 5, 2024

 21,579 total views

 21,579 total views 6th Sunday of Easter Acts 10:25-26 1 Jn 4:7-10 Jn 15:9-17 Pag-ibig. Hinahanap-hanap ito ng marami. Ito ang nagbibigay ng kulay sa ating buhay at ito nga ang nagbibigay ng kabuluhan sa ating gawain. Kahit na mahirap at kahit na matagal, anumang hamon ay gagawin natin at magagawa natin kung tayo ay may

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 21, 2024

 26,895 total views

 26,895 total views Homily April 21, 2024 4th Sunday of Easter Cycle B Good Shepherd Sunday World Day of Prayer for Vocations Acts 4:8-12 1 Jn 3:1-2 Jn 10:11-18 Taon-taon ang ika-apat na Linggo ng panahon ng Muling Pagkabuhay ay Good Shepherd Sunday. Maliwag ang sinabi ni Jesus sa atin ngayong araw: “Ako ang mabuting pastol.”

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 14, 2024

 29,053 total views

 29,053 total views Homily April 14, 2024 3rd Sunday of Easter Cycle B Acts 3:13-15.17-19 1 Jn 2:1-5 Lk 24:35-48 Ang muling pagkabuhay ni Jesus ay ang tagumpay sa kasalanan. Ibinuhos na kay Jesus ang lahat ng fuersa ng kasalanan. Naranasan niya ang iba’t-ibang anyo ng kasalanan. Siya ay pinagbili ni Judas, pinagtinaksilan ni Pedro, pinagbintangan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 7, 2024

 31,211 total views

 31,211 total views Homily April 7, 2024 2nd Sunday of Easter Cycle B Divine Mercy Sunday Acts 4:32-35 1 Jn 5:1-6 Jn 20:19-31 Ang muling pagkabuhay ay hindi lang tagumpay ni Jesus. Tagumpay ito ng buong katawan ni Kristo kaya kasama tayong lahat diyan kasi kaisa tayo ng katawan ni Kristo. Narinig natin sa ating ikalawang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | April 6, 2024

 31,559 total views

 31,559 total views First Things First | April 6, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top