Lahat ng simbahan sa Bicol Region, bukas na maging kanlungan ng mga apektado ng bagyong Opong

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,677 total reads

Ipinag-utos ng mga diyosesis sa Bicol Region na buksan ang mga simbahan, kapilya, at iba pang pasilidad sa mga parokya upang magsilbing kanlungan ng mga pamilyang apektado ng binabantayang Severe Tropical Storm Opong.

Hinikayat ni Legazpi, Albay Bishop Joel Baylon ang pagtanggap sa mga magsisilikas sa pamamagitan ng pagbubukas ng mga pasilidad sa mga parokya at ang pagkilos ng Parish Disaster Response Committees (PaDReCom) katuwang ang Diocesan Commission on Social Concerns at Social Action Center.

“Our churches are ready to welcome evacuees during Tropical Storm Opong, where facilities are safe,” ayon sa pahayag ng Diyosesis ng Legazpi.

Samantala, nanawagan naman si Sorsogon Bishop Jose Alan Dialogo ng agarang pagkilos, kabilang ang pagbubukas ng parish halls, kapilya, at paaralan bilang evacuation centers kasabay ang pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan.

Iginiit ni Bishop Dialogo ang kahalagahan ng kahandaan lalo’t inaasahang magla-landfall ang Bagyong Opong sa Sorsogon bukas.

Sa sirkular, hinikayat ng obispo ang lahat ng parokya, sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga Vicar Forane, na agad kumilos sa pangunguna ng Commission on Service at Caritas Sorsogon.

Nagbahagi rin ng mga panuntunan si Bishop Dialogo upang magsilbing gabay upang matiyak ang kaligtasan at kahandaan ng simbahan para sa pagtugon at pagtulong.

“These guidelines are temporary measures in the absence of finalized diocesan [Disaster Risk Reduction] protocols… Let us assure our faithful that the Church is both a sanctuary and a service center in this time of trial,” ayon kay Bishop Dialogo.

Bukod sa pagbubukas ng mga parokya para sa mga magsisilikas, hinikayat ni Daet, Camarines Norte Bishop Herman Abcede ang mga mananampalataya na usalin ang Oratio Imperata para sa kaligtasan laban sa kalamidad.

“Let us transform this difficult moment into an opportunity for solidarity and faith. Together, let us be instruments of Christ’s mercy, serving and protecting His flock in times of trial,” saad ni Bishop Abcede.

Nanawagan din ang Diyosesis ng Virac, Catanduanes, sa pangunguna ni Bishop Luisito Occiano, sa sambayanang kristiyano para sa sama-samang pananalangin upang hilingin ang habag at kalinga ng Diyos sa gitna ng pangamba at pagsubok.

“Prayer is our most powerful weapon. In these uncertain times, it is crucial that we turn to God and implore His mercy and protection. Let us come together as one community of faith, united in purpose and spirit, to pray for deliverance from these calamities,” ayon sa pahayag ng diyosesis.

Batay sa huling ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA), napanatili ng Bagyong Opong ang lakas habang kumikilos patungong kanluran sa silangan hilagang-silangan ng Guiuan, Eastern Samar.

Inaasahang dadaan malapit o magla-landfall ang bagyo sa Northern Samar o hilagang bahagi ng Eastern Samar, bukas ng umaga, September 26, bago ito tumungo sa Bicol Region, partikular sa Sorsogon.

Mga Pari, mensahero ni kristo

 2,054 total reads

 2,054 total reads Binigyang-diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang mga pari ay tinatawag na maging mga tagapagdala ng mensahe ni Kristo, sa kabila ng

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 12,150 total reads

 12,150 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 52,710 total reads

 52,710 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 80,088 total reads

 80,088 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 128,353 total reads

 128,353 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 149,925 total reads

 149,925 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 128,423 total reads

 128,423 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top