VeritasPH

The Word, The Truth

 679 total views

Ika-12 Linggo ng Karaniwang Panahon, 25 Hunyo 2023, Mat 10:26-22

“Huwag ninyong katakutan iyung mga tipong ang kayang saktan o sirain ay ang panlabas natin pero hindi kayang sirain ang loob.” Ito ang basa ko sa sinasabi ni Hesus sa ating ebanghelyo ngayon. At ang pumapasok sa isip ko na larawan ay ang anay.

Alam n’yo ba na meron palang dalawang klaseng anay? Nalaman ko lang ito sa isang eksperto sa pest control. Meron daw anay na pula at anay na puti. Iyung pula, sila iyung nakikita sa labas, tulad ng mga anay na kumakain sa balat ng mga puno ng mangga. Makikita mo ang daanan nila sa mismong puno ng mangga, parang mga tunnel na gawa sa natuyong putik. Pag dinuro mo sa daliri mo, nabubutas ang tunnel at nakikita mo na sa loob ang mga anay na pula. Sabi ng ekspertong nakilala ko, hindi daw iyon ang delikadong anay. Balat lang kasi ang kinakain nila, tutubo rin naman ulit ang balat basta buhay ang punongkahoy sa loob.

Ang delikado daw ay ang anay na puti at mas maliit pero mas matindi kung manira. Ito daw iyung anay na kahit sa simyento o kongkreto kayang pumasok. Kapag nagsimulang ngumatngat sa kahoy, inuunang kainin ang loob ng mga posteng kahoy, kaya hindi mo sila nakikita. Sa labas ng bahay sa garden, doon mo makikita ang naipon nginatngat nila na nagiging lupa—isang bunton ng punso na akala natin ay bahay ng mga nuno o duwende, iyon pala bahay ng anay—naroon ang kanilang reyna na masipag manganak ng libo-libong sundalong anay na ngatngat nang unti unti sa bahay.

Kaya pala ang ginagawa ng mga eksperto, kinakatok nila ang mga posteng kahoy. Sa tunog mo daw malalaman kung inaanay ang bahay. Minsan, mukhang buo ang mga poste sa labas pero wala na palang laman sa loob! Pag kinatok mo parang sitsaron ang dating—balat na lang pala ang natitira. Ang galing naman nila di ba? Kinakain ang loob iniiwan ang labas. Sa di mo nalalaman, malapit na palang gumuho ang bahay mo.

Mga kapatid, hindi lang bahay ang inaanay, mga tao rin. Minsan natatakot tayo sa mga kriminal na pwedeng pumasok sa mga bahay natin mula sa labas para magnakaw. Sa ating unang pagbasa, narinig natin ang tungkol sa takot ni propetang Jeremias. Natuklasan niya na hindi pala sa labas nagmumula kundi sa loob ang kinatatakutan niya. Kumbaga sa nakawan, para bang “inside job”. Mas nakakatakot pag nalaman mong ang magnanakaw pala ay kasama mo sa loob ng bahay mo, mismong mga taong pinagkakatiwalaan mo. Sabi ni Jeremias, “Mga itinuturing ko palang mga kaibigan ang sumisira at ibig magpabagsak sa akin.”

Sa mga sandaling iyon, ang pumapawi sa takot ni Jeremias ay ang Panginoon. “Kasama ko ang Panginoon,” sabi niya. “Siya lang ang magpapalakas ng loob sa akin upang hindi mauwi sa pagkasira at pagkawasak ang buhay ko.” Kaya pala ang mas akmang translation natin sa Tagalog sa English expression na “Take courage” o “Do not be afraid!” ay “Lakasan mo ang loob mo.” Ang literal na sinasabi natin ay “Strengthen your inside.”

Para kasi sa atin na mga Pilipino ang loob ang pinagmumulan ng tunay na lakas. Kaya siguro sinasabi ng matatanda—“Masira na ang lahat sa buhay mo, huwag lang ang loob mo.” Kapag nasiraan nga naman ng loob ang tao, mas madali nang mawasak ang lahat sa buhay niya. Iyun din naman sa palagay ko ang dahilan kung bakit masipag kayong magsimba kapag Linggo. Hindi naman para dumispley lang kundi upang maghanap ng mapaghuhugutan ng lakas ng loob sa gitna ng maraming mga pagsubok sa buhay. Alam natin ang paraan ni Satanas—siya ang parang anay na puti na ngumangatngat sa kalooban natin. Nililito niya tayo, inilalayo ang loob natin sa Diyos. Hindi naman ang Diyos ang magtatapon sa atin sa impyerno kundi tayo rin, sarili natin mismo, kapag nalayo ang loob natin sa Diyos.

Sa araw na ito ipinagdiriwang din ninyo, mga kapatid dito sa Sts. Peter and John Parish ng Malabon ang kapistahan ng inyong mga Mahal na Patron—ang dalawa sa pinakadakilang apostol ng Panginoong Hesukristo. Hindi naman sila mga superman; mga tunay na tao din sila, katulad ng Panginoong Hesukristo. Kahit nga ang anak ng Diyos, tinablan din ng takot sa Hardin ng Gethsemane, dahil totoong tao siya. Sina San Pedro at San Juan pa kaya?

Si Pedro, sa simula pa lang natakot na siya nang mamulat siya kung sino itong nakasakay sa kanyang bangka at nagturo sa kanya na pumalaot upang mapuno ang lambat niya ng isda. Nasabi tuloy niya, “Huwag na lang ako, Panginoon, makasalanan akong tao.” Kaya pinalakas ng Panginoon ang loob niya. Minsan kasi kahit nagtitiwala tayo sa Diyos, wala naman tayong tiwala sa sarili natin. Nakakalimutan natin na bahagi ng pagtitiwala sa Diyos at paniniwalang may tiwala din ang Diyos sa atin.

Di nga ba nakalakad na si Pedro sa tubig, pero sinagilahan pa rin siya ng takot nang maramdaman ang malakas na alon at hangin sa labas niya? Ginawang kanta ang karanasang iyon ni San Pedro. Favorite nga iyon ng mga kabataan, madalas kong marinig sa mga concert. Ang title ay “Huwag ka nang Umiyak.” Sabi ng kanta,

“Ako ang iyong bangka, kung magalit man ang alon ng panahon, sabay tayong aahon…” At sa refrain, sabi pa niya,

“Kung wala ka nang maintindihan, kung wala ka nang makapitan, kapit ka sa akin, kapit ka sa akin,

hindi kita bibitawan.”

Kay San Juan natin matututunan ang matagal pa bago natutunan ni San Pedro. Kay San Pedro luminaw lang ito sa bandang dulo na—nang magpakita sa kanila ang Kristong muling nabuhay sa may dalampasigan at pinakain sila ng almusal. (Jn 21) Nang tanungin siya nang tatlong beses, SIMON, MAHAL MO BA AKO? Pagkasagot niya ng “Oo,”noon lang siya binigyan ng Panginoon ng karapatang pakainin ang kanyang mga tupa at alagaan ang kanyang kawan.

Mas maagang natuklasan ito ni San Juan. Kaya nga ang tawag niya sa sarili niya ay “The Beloved Disciple” ang “Alagad na Minamahal.” Hindi naman dahil may favoritism ang Panginoon, o siya lang ang mahal ng Panginoon. Ito ang alagad na walang alam na ipagmamalaki o paghuhugutan ng lakas ng loob sa buhay niya kundi ang Pag-ibig ni Kristo. Ito rin ang nagpaunawa sa kanya na ANG DIYOS AY PAG-IBIG.

Ganoon din ang sinasabi ni San Pablo. Pag-ibig ang pundasyon ng pananampalataya at pag-asa. Pag-ibig lang ang panlaban natin sa pagkasira ng loob. Kaya siguro ang lakas ng loob niya na sabihin—“Walang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos, dahil kay Kristo Hesus na ating Panginoon.”

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 5,071 total views

 5,071 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 13,056 total views

 13,056 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 20,592 total views

 20,592 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 36,578 total views

 36,578 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 44,622 total views

 44,622 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

APOSTOL, SUGO, KINATAWAN

 234 total views

 234 total views Homiliya Para sa Ika-15 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hulyo 2024, Markos 6:7-13 Nais ko sana na itutok natin ang ating pagninilay sa araw na ito sa kahulugan ng pagiging “apostol”. Alam ko na ang karaniwang iniuugnay natin sa salitang “apostol” ay ang 12 lalaki na pinili ni Hesus mula sa kanyang mga

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 2,990 total views

 2,990 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IN JESUS’ NAME

 7,405 total views

 7,405 total views Homily for Wed of the 13th Wk in Ordinary Time, 10 July 2024, 18th Episcopal Ordination Anniversary, Mk 10:1-7 On Thursday last week, the final day of the annual retreat of the CBCP, we has as main presider at the Eucharistic Celebration the Secretary of the Holy See’s Relations with States, Abp. Paul

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KATATAGAN

 2,731 total views

 2,731 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalabindalawang Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Hunyo 2024, Mat 7:21-29 “Malapit na ang giyera!” Ito ang babala ng mga propeta sa Jerusalem. Pero walang sumiryoso sa babala nila. Hanggang minsan isang araw bigla na lang nagkatotoo. Ang katuparan ng malagim na hula ay ang malungkot na kuwentong narinig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE HEART AND THE EYE

 3,254 total views

 3,254 total views Homily for Friday of the 11th Wk in Ordinary Time, 21 June 2024, Mt 6:19-23 Today’s Gospel makes me understand the expression, “His heart is in the right place.” The idiom is understood to mean “He has good intentions despite his flaws and mistakes.” Or “He has shortcomings but he is sincere and

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GOD THE FARMER

 4,753 total views

 4,753 total views Homiliya para sa Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hunyo 2024, Mk 4:26-34 Dalawang punto lang ang mungkahi kong pagnilayan natin tungkol sa mga talinghagang narinig natin sa ebanghelyo ngayon. Una, ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Pangalawa, tayo mismo ay para ding mga binhi. Simulan natin sa una. Ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GO OUTSIDE!

 5,597 total views

 5,597 total views Homily for Friday of the 10th Week in Ortdinary Time, 14 June 2024, 1 Kings 19; Mt 5:27-32 Like I told you yesterday, the drama in the life and mission of the prophet Elijah—which has been read from the first book of Kings for the past few days now—continues today with chapter 19.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGDILANG ANGHEL

 3,852 total views

 3,852 total views Homiliya para sa Misang Paggunita kay San Antonio de Lisbon, 13 Hunyo 2024, Mt 5:20-26 “Magdilang-anghel ka nawa!” Ito ang sinasabi natin sa Pilipino pag may binigkas na hula ang iba na ibig nating magkatotoo. Isang taong may dilang anghel, ito ang turing ng mga taga-Padua kay San Antonio dahil sa tindi ng

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SAN ANTONIO DE LISBON

 8,065 total views

 8,065 total views Homiliya para sa Bihilya sa Kapistahan ni “San Antonio de Padua,” Miyerkoles sa Ikasampung Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Hunyo 2024, Mat 5, 17-19 Salamat sa Marian pilgrimage ng Kaparian ng Kalookan, bukod sa dalaw namin sa lugar na pinangyarihan ng aparisyon ng Birhen sa Fatima, nakadalaw din kami sa bayan ng ating

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE “GOOD MAN”, BARNABAS

 7,298 total views

 7,298 total views Homily for Thursday of the 10th Week in Ordinary Time, 11 June 2024, Mat. 10:7-13 Today is the Feast of the Holy Apostle and Martyr, St Barnabas, whom St Luke describes in our first reading today as “a good man, filled with the Holy Spirit and faith”. In one of my past homilies

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAHANAN NG PUSO

 11,508 total views

 11,508 total views Homiliya Para sa Ika-10 Linggo ng Karaniwang Panahon, 9 Hunyo 2024, Mk 3:20-35 Ang ating pagninilay sa araw na ito ay tungkol sa pagtatayo ng tahanan, hindi lang bahay. Alam naman natin na hindi lahat ng bahay ay tahanan, di ba? Di ba may kasabihan tayo: “Mabuti na sa akin ang bahay kahit

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD AND WATER

 4,956 total views

 4,956 total views BLOOD AND WATER Homily for the Feast of the Sacred Heart of Jesus, 7 June 2024, Jn 19,31-37 I call the Feast of the Sacred Heart of Jesus a poetic feast about the mystery of the Love of Christ. Saint Paul himself sounds very poetic in our second reading from third chapter of

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”)

 4,960 total views

 4,960 total views TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”) Homiliya Para sa Huwebes sa Ikasiyam na Linggo ng Karaniwang Panahon, 6 Hunyo 2024, Mk 12,28-34 May kuwento tungkol sa isang pusa na inanod ng agos ng baha at nakakapit sa sanga ng maliit na puno sa gilid ng estero. Nakita daw ito ng dalawang tao. Dahil

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE ETERNAL NOW

 4,960 total views

 4,960 total views THE ETERNAL NOW Homily for Wed of the 9th Week in Ordinary Time, 5 June 2024, Mk 12,18-27 The question raised in today’s Gospel reminds me of the story of a woman named Sarah in the Old Testament. No, I am not talking about Sarah, the wife of Abraham, but about the Sarah

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD COMPACT

 4,952 total views

 4,952 total views BLOOD COMPACT Homiliya para sa Kapistahan ng Corpus Christi, 2 Hunyo 2024 Markos 14:12-16, 22-26 Sa America, lalo na noong bago nag-pandemya, sanay sila sa double species na communion sa Misa. Bukod sa ostia, umiinom din sila sa konsagradong alak. Sayang hindi natin nakasanayan ito sa Pilipinas, sa kabila ng kultura natin sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top