Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagdanak ng dugo sa Negros

SHARE THE TRUTH

 498 total views

Mga Kapanalig, sa pangangaral ni Hesus sa bundok na matutunghayan natin sa Mateo 5:21, ipinaalala Niya, “Huwag kang papatay; at ang sinumang pumatay ay mapapasapanganib sa kahatulan.” Malaking paglabag sa kalooban ng Diyos ang pagpatay, kaya hindi lamang sa mga batas ng tao mapananagot ang sinumang bumawi sa buhay ng kanyang kapwa. Maghihintay din siya ng paghatol mula sa Panginoong pinagmulan ng buhay.

Sa ngayon, hinihintay nating mapanagot sa mga batas ang mga nasa likod ng karumal-dumal na pagpatay kay Rolly Fausto, 52 taóng gulang na magsasaka sa Negros Occidental. Hindi lamang siya ang biktima. Natagpuan ding walang buhay sa kanilang kubo ang kanyang asawang si Emelda at dalawa nilang menor-de-edad na anak na sina Ben at Ravin. Tadtad sila ng bala nang madatnan ng panganay na anak nina Rolly at Emelda.

Miyembro ang mag-asawa ng Baclayan, Bito, Cabagal Farmers and Farmworkers Association na sinasabing pinag-iinitan ng militar dahil sa kanilang ugnayan diumano sa New People’s Army (o NPA). Ayon sa grupong Karapatan, biktima ng pangha-harass ng mga sundalo sina Rolly at Emelda ilang buwan bago sila pinatay. Isinailalim daw ang mag-asawa sa interrogation ng mga sundalo at hinalughog ang kanilang tirahan nang walang pahintulot. Sinaktan din daw si Rolly at pinilit na paamining kasapi siya ng NPA.

Itinanggi ito ng Armed Forces of the Philippines (o AFP). Hindi pa raw ito nakatatanggap ng impormasyon tungkol sa pagkakasangkot ng mga sundalo sa diumano’y harassment sa mag-asawang Fausto at sa nangyaring masaker. Idiniin ni AFP Spokesperson Col. Medel Aguilar na ang kanilang constitutional mandate ay ang protektahan ang taumbayan, sabay patutsada sa grupong Karapatan na aniya ay nakibalita sa NPA upang akusahan ang mga sundalo.

Nangyari ang masaker habang patuloy ang ginagawang imbestigasyon sa pagpatay kay dating Negros Oriental governor Roel Degamo. Sa kasong ito, nakabuhos ang atensyon ng ating gobyerno at maging ng media. Ganito rin sana ang makita nating sigasig ng mga awtoridad at mamamahayag sa pagsubaybay sa patuloy na pagpatay sa mga ordinaryong mamamayan sa isla ng Negros.

Ang hindi nawawalang mga hinalang sangkot ang awtoridad sa mga pagpatay na ito sa isla ay iniuugnay pa rin sa Memorandum Order 32 na inilabas noong 2018 ni dating Pangulong Digong Duterte. Sa ilalim ng kautusang ito, nagdagdag ang gobyerno ng mas maraming sundalo at pulis sa ilang probinsya sa bansa, kabilang ang Negros Oriental at Negros Occidental. Ito ay upang sugpuin ang “lawless violence” at “acts of terror.” Mula noon, maraming kaso ng pagpatay ang nangyari sa isla. Ang nakalulungkot, hindi pa rin nabibigyang-linaw kung sangkot nga ba ang mga awtoridad sa mga pagpatay doon.

Ngunit may maasahan pa kaya tayong patas na imbestigasyon kung ang mga dapat na gumawa nito ay bahagi ng institusyong nagsusulong ng karahasan laban sa mga itinuturing na kalaban ng gobyerno? Sino ang maasahan nating sasama sa mga biktima at mga naulila nila sa paghahanap ng katarungan, kung ang mga tagapagpatupad ng batas ay nagsisilbing instrumento na rin ng pagtatago ng katotohanan? Lagi ring itinuturo ang mga rebeldeng grupo bilang sangkot sa mga pagpatay sa anila’y kapwa nila rebelde, ngunit napatunayan na rin ba ang mga ito?

Mga Kapanalig, ulitin natin ang paalala noong 2020 ni Bishop Gerardo Alminaza ng Diyosesis ng San Carlos: “It is a grave omission to remain silent and passive, and allow perpetrators to get away.” Isang matinding pagkukulang ang manatiling tahimik at walang-kibo, at payagan ang mga may kasalanan na makatakas. Nakapatong sa balikat ng ating gobyerno ang pagpapanagot sa mga nasa likod ng mga pagpatay sa mga kapatid natin Negros, kasama sina Rolly Fausto at ang kanyang pamilya.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 11,055 total views

 11,055 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 17,028 total views

 17,028 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 22,783 total views

 22,783 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 30,046 total views

 30,046 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 38,030 total views

 38,030 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 11,056 total views

 11,056 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 17,029 total views

 17,029 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 22,784 total views

 22,784 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 30,047 total views

 30,047 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 38,031 total views

 38,031 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 35,826 total views

 35,826 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 47,830 total views

 47,830 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 55,872 total views

 55,872 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 47,429 total views

 47,429 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 45,854 total views

 45,854 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 47,640 total views

 47,640 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 44,565 total views

 44,565 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 58,879 total views

 58,879 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 62,569 total views

 62,569 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 61,172 total views

 61,172 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top