Pangangalaga sa karagatan, hamon ng Stella Maris Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,558 total views

Hinimok ni Father John Mission – National Director ng Stella Maris Philippines ang mga mandaragat na paigtingin ang pakikiisa sa pangangalaga ng karagatan.

Ito ang pagninilay ng Pari sa misang inialay sa Cebu sa naging paggunita ng World Seafarers Days kung saan inalala din ang mga yumaong mandaragat.

Ayon sa Pari, mahalaga ang tungkulin ng bawat isa na pangangalagaan ang dagat laban sa anumang gawain na makakasira sa biyaya ng Diyos para sa sanlibutan na nagbibigay ng pagkain at paraan ng transportasyon.

“In the message that Fr. John delivered during the Memorial at Sea and the celebration of the Mass, he reiterated reflecting the day’s theme which focuses on the role of the seafarers in protecting the ocean, that God’s greatest gift to humanity is the gift of creation, and it is the responsibility of all not just of the seafarers, to care most especially the marine environment which is also the source of life and sustenance.” ayon sa ipinadalang mensahe ng Stella Maris Philippines sa Radio Veritas.

Kasama din ang mga kinatawan ng Marina Philippines at iba pang maritime stakeholders sa idinaos ang pagdiriwang na sinundan ng Fluvial Procession sa Mactan Channel sa Cebu.

Ipinarating naman ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia ang pagkilala sa sakripisyo ng mga seafarers sa buong mundo.

Inihayag rin ng Arkidiyosesis ng Cebu ang pasasalamat sa mga mandaragat higit na sa kanilang pagtulong sa sektor ng ekonomiya dahil 90% ng shipments ng ibat-ibang produkto ay naihahatid sa tulong ng maritime industry.

Batay sa talaan ng pamahalaan noong December 2022, ay 400-libo ang mga Filipino seafarers sa iba’t-ibang bahagi ng mundo.

Patuloy din ang pananalangin ng Stella Maris Philippines kasama ang pag-aalay ng mga misa ng Diocese of Balanga sa Bataan para sa ikabubuti at kaligtasan ng mga Filipino seafarers sa kanilang mga trabaho.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malaya pero bihag pa rin

 80,072 total views

 80,072 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More »

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 93,649 total views

 93,649 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Papalayô sa tunay na demokrasya

 122,213 total views

 122,213 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 170,007 total views

 170,007 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 159,516 total views

 159,516 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top