Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

500-milyong pisong pondo, hangad ng Expanded Alay Kapwa fund campaign

SHARE THE TRUTH

 2,697 total views

Layunin ng Caritas Philippines na paigtingin ang diwa ng pagtutulungan sa inilunsad na Expanded Alay Kapwa Fund campaign.

Ayon kay Caritas Philippines consultant at Expanded Alay Kapwa program head Fr. Tito Caluag, anuman ang katayuan sa buhay ng isang indibidwal ay maaari pa ring makibahagi sa isinusulong na adhikain para sa mga higit na nangangailangan.

Balak ng social, development, at humanitarian arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na makalikha ng P500-milyon o higit pa bilang pondo sa mga programa ng institusyon.

“Ang kagandahan nito kasi is lahat sama-sama, mayaman o mahirap, bahagi tayo ng Alay Kapwa Extended [Fund Campaign], pantay-pantay. At saka ang isa rin naming nakita na ito rin ay pagkakataon na in a very crowdfunding type of way ay ma-lessen natin ‘yung gap ng mga mayayaman at mahihirap sa ating bansa. Kasi alam naman natin na napakalaki ng gap. So, hopefully, ‘yung mas may kaya mas tutugon ng mas malaki.” bahagi ng pahayag ni Fr. Caluag.

Umaasa ang Caritas Philippines na sa taong 2025 ay makakahikayat sila ng isang milyong donor na magbabahagi ng hindi bababa sa P500 bawat taon.

Sinabi ni Fr. Caluag na ang fund campaign ay paraan lamang upang maisakatuparan ang bawat layunin ng 7 Alay Kapwa programs ng Caritas Philippines sa pagtugon sa kalamidad; kalusugan, edukasyon; pangkabuhayan; kalikasan; katarungang panlipunan at kapayaapan; at kasanayan.

“I think it’s very important to remember that fund raising is only the means to fulfill the missions. The mission is to make the Philippine Church a church with and for the poor, iyon ho ang pinakamahalaga sa lahat.” dagdag ni Fr. Caluag.

Unang inilunsad ang Alay Kapwa taong 1975 ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines upang paigtingin ang kamalayan ng lipunan hinggil sa kalagayan ng mga mahihirap.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pekeng sakripisyo

 6,580 total views

 6,580 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 14,896 total views

 14,896 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 33,628 total views

 33,628 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 50,138 total views

 50,138 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Trend

 51,402 total views

 51,402 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Mga katutubo, nagpapasalamat kay Pope Francis

 2,526 total views

 2,526 total views Ipinahayag ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Indigenous Peoples (CBCP-ECIP) ang taos-pusong pagkilala ng mga katutubo kay Pope

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

“He is heaven’s gain.”

 4,398 total views

 4,398 total views Ito ang naging mensahe ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao kaugnay sa pagpanaw ng punong pastol ng Simbahang Katolika, Pope Francis. Ayon kay

Read More »
Health
Michael Añonuevo

Code white alert, ipinatupad ng DOH

 9,316 total views

 9,316 total views Ipinatupad ng Department of Health ang Code White Alert bilang bahagi ng paghahanda at babantay sa ligtas at malusog na paggunita ng Semana

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Jubilee walk of farmers, suportado ng CEAP

 11,368 total views

 11,368 total views Suportado ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang pakikipaglaban ng mga katutubo, mangingisda, at mga residente ng Mariahangin Island sa Bugsuk,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top