4,140 total views
Hinimok ni Cebu Archbishop Jose Palma ang mga tatakbo sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2023 na tiyaking maging matapat sa paglilingkod sa pamayanan.
Ito ang mensahe ng arsobispo hinggil sa nalalapit na halalang pambarangay sa October 30.
Ayon kay Archbishop Palma mahalagang may sapat na pagninilay ang bawat kakandidato at suriin ang sarili na nakahandang maglingkod para sa interes ng nakararaming nasasakupan.
“For people who have the sincere desire to serve, I would encourage, Go on! Tell the world you want to serve. And be truly sincere once elected.” bahagi ng pahayag ni Archbishop Palma.
Paalala ng arsobispo sa mamamayan na piliing mabuti ang mga magiging lider ng bawat barangay lalo’t ito ang pangunahing tumutugon sa pangangailangan ng munting pamayanan.
“Be serious about the election, we really discern and pray over and select those we think can give really honest, sincere, and effective service to the community.” pahayag ng arsobispo.
Ayon sa Department of the Interior and Local Government magsisimula ang election period sa August 28 at magtatapos sa November 29.
Itinakda ng Commission on Elections ang filing of candidacy sa August 28 hanggang September 2; campaign period naman sa October 19 hanggang 28; halalan sa October 30; at paghahain ng Statements of Contribution and Expenditures (SOCE) sa November 29.
Dalangin ng simbahan ang malinis at matapat na halalan gayundin ang kapayapaan sa sa 42, 000 barangay sa bansa na pipili ng mga lider na mamumuno sa kanilang komunidad na kinabibilangan.