Lantarang pagpanig ng mga pulis?

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 577 total reads

Mga Kapanalig, lumutang na sa wakas ang driver ng SUV na sumagasa at ginulungan ang isang sumisitang security guard sa Mandaluyong City matapos ang dalawang linggong pag-iwas sa pag-aresto sa kanya ng mga pulis.

Matatandaang kumalat ang video ng pag-hit-and-run sa security guard ng isang mall na pinahihinto ang sasakyan upang dumaloy nang maayos ang trapiko sa lugar. Sa halip na tumigil, binangga ng drayber ang guwardya at ginulungan pa ito hanggang sa makaalis. Agad na dinala sa pagamutan ang security guard, habang pinasusuko ng awtoridad ang sumagasang drayber. May pulitiko pa ngang nag-alok ng pabuya sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon tungkol sa drayber ng SUV. Binawi ng LTO ang lisensya ng drayber na natuklasang ilang beses na ring nasangkot sa reckless driving. Nagsampa naman ang pulis Mandaluyong ng kasong frustrated murder at pag-abandona sa biktima.

Ngunit hindi basta-bastang pagsuko ang ginawa ng 34 na taóng gulang na si Jose Antonio Sanvicente, ang drayber ng SUV. Kasama ang kanyang mga magulang at abogado, humarap siya sa isang press conference sa Camp Crame. Para nga silang nasa isang talk show kung saan ipinaliwanag ng kanyang nanay kung bakit matapos ang ilang linggo ay nagpasyang sumuko ang kanilang anak. Humingi ng paumanhin ang suspek sa kanyang na-hit-and-run. Hindi siya hinuli ng mga pulis dahil lumampas na raw ang panahong maaari itong gawin sa isang suspek. Natapos ang press con at malayang nakaalis si Sanvicente.

Kung pobreng drayber siguro ang naka-hit-and-run, tiyak na iba ang magiging eksena ng ating kapulisan. Pagpapalitin ng damit ang suspek na para bang deretso na siya sa bilangguan. Habang nakaposas ang kanyang mga kamay at napapagitnaan ang mga pulis, nakatayo ang suspek sa likod ng nakaupong mga pulis na ipinagmamalaki ang pagkakahuli nila sa kanya. Nakayuko siya sa kahihiyan pero pipilitin siya ng mga pulis na ipakita ang kanyang mukha sa nakasisilaw na kamera ng mga taga-media. Sasabunin nila—o kaya ay mumurahin pa—ang suspek. Matapos ikuwento ang kanilang matagumpay na pagdakip, dadalhin na nila ang suspek sa kulungan kung saan susundan pa rin siya ng media upang ipakita ang simula ng kalbaryong kanyang dadanasin. Masuwerte pa nga kung nahuli nila nang buhay ang suspek. Kung mahihirap na drug personalities o mahihirap na suspek ang kanilang dadakpin, malamang ay naliligo na sa kanilang dugo ang mga suspek at sasabihin na lang ng mga pulis sa media na nanlaban sila. Tapos ang usapan.

Ito ang mukha ng katarungan sa ating bayan. Lantaran ang pagpanig sa mga maykaya at may koneksyon sa mga nasa poder. Kung may pera ka, makakukuha ka ng serbisyo ng magagaling na abogadong makahahanap ng paraan upang hindi ka paghimasin ng malamig na rehas. Mahirap tuloy na hindi isiping para lamang sa mga may pera at may impluwensya ang katarungan.

Sa pananampalatayang Kristiyano, naniniwala tayong walang krimen o sentensyang makapagbabago sa taglay na dignidad ng bawat tao. Anuman ang antas sa pamumuhay, ang mga nagkakasala sa batas ay mga taong karapat-dapat na bigyan ng pagkakataong itama ang kanilang pagkakamali. Ang kaparusahang itinatakda ng batas ay dapat na ipinapataw sa sinumang mapatutunayang nakagawa ng krimen. Ngunit sa Pilipinas, bago pa man dumaan sa tamang proseso ng batas, may mga pinapaboran na ang mga nagpapatupad ng batas at may mga taong ang kanilang dignidad ay hindi na kinikilala.

Mga Kapanalig, nawa’y magkaroon tayo ng mga tagapagpatupad ng batas na, katulad ng nakasaad sa Mga Awit 106:3, “makatarungan [at] gawang matuwid ang adhika sa buo [nilang] buhay.” Huwag sanang hayaan ng kapulisan na magpatuloy ang masamang imahe nila sa mata ng publiko, lalo na sa mahihirap at walang kalaban-laban.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 86,144 total reads

 86,144 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 120,054 total reads

 120,054 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 155,353 total reads

 155,353 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 381,623 total reads

 381,623 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 270,478 total reads

 270,478 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Just energy transition sa Semirara

 86,145 total reads

 86,145 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 120,055 total reads

 120,055 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 155,354 total reads

 155,354 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 381,624 total reads

 381,624 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »
Scroll to Top