Bahay-bahay na pagtulong, patuloy na isinagawa ng Diocese of Cabanatuan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 838 total views

Patuloy ang Diyosesis ng Cabanatuan sa pagtulong sa mga mahihirap na pamilya na lubhang naapektuhan ng umiiral na coronavirus pandemic.

Ayon kay Cabanatuan Social Action Director Fr. Aldrin Domingo, kasabay ng paglaganap ng pandemya ay inilunsad ng diyosesis ang programang Alay Kapwa sa Pamayanan – Caritas Kindness Station.

Nilalayon nitong maibsan sa simpleng paraan ang pasanin ng mga mahihirap na pamilyang sinisikap na makaahon mula sa epekto ng pandemya.

“Nagpapatuloy po ‘yung programa ng Diocese of Cabanatuan until now para somehow maka-survive sila and that’s our goal to be able to help them to survive this pandemic times,” pahayag ni Fr. Domingo sa panayam ng Radio Veritas.

Pagbabahagi ni Fr. Domingo na kaiba sa mga karaniwang kindness stations, ang mga volunteers mismo ang nagpupunta sa mga tahanan at nagdadala ng mga pagkain at iba pang tulong sa mga napiling benepisyaryo.

Sinabi ng pari na sa pamamagitan din ng pagbabahay-bahay ay napapagtuunan ng simbahan na kilalanin at makadaupang-palad ang kanilang mga tinutulungan.

Natutuwa naman si Fr. Domingo sa patuloy na suporta ng mga benefactors kaya’t patuloy din ang pagtulong ng simbahan sa mga higit na nangangailangan.

“It’s not really the funds na naiipon natin sa simbahan kun’di it is coming from the people pero locally. Kumbaga bigay din ng mga tao, the good thing is kapag nakikita ng tao where the money goes, tuluy-tuloy po ‘yung tulungan na ‘yun,” ayon kay Fr. Domingo.

Umabot na sa humigit-kumulang 20-milyong piso ang naipong pondo ng Diyosesis ng Cabanatuan bilang tulong sa mga mahihirap na pamayanang saklaw nito.

Batay naman sa huling tala ng Social Weather Stations, umabot na sa 11-milyon ang kabuuang bilang ng mahihirap na pamilya sa bansa dulot ng patuloy na krisis ng pandemya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 66,416 total views

 66,416 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 141,030 total views

 141,030 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 221,109 total views

 221,109 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 264,248 total views

 264,248 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 261,340 total views

 261,340 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top