Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Laudato Si Movement, nanawagang i-boycott ang mga negosyanteng sumisira sa kalikasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 483 total views

Hinikayat ng isang environment group ang mga negosyante at mamumuhunan na huwag suportahan ang mga negosyong nakakasira sa kalikasan.

Ayon kay Bro. Armin Luistro, Pangulo ng De La Salle University (DLSU) at ng Philippine Business for Social Progress, isinusulong ngayon ng grupo ang kampanya na ‘Living Laudato Si Movement’ na hango sa ensiklikal ng Santo Papa Francisco.

“Kailangan natin sa ating pamumuhay baguhin ang lifestyle natin, pero mayroon tayong mas mahalagang gawin. Ito ay ang nagpopondo sa kalakal na ito kailangan tayong manawagan sa kanila dahil ito ay kasama sa business. Mahalagang makita natin maari nating baguhin na kumita ng pera na hindi makakasira sa kalikasan,” ayon kay Luistro sa panayam ng Veritas Pilipinas.

Iginiit ni Luistro sa mga negosyante na ilagay ang pera sa mga programa na magbibigay ng proteksyon sa kalikasan.
“Mas malaki ang epekto sa ating kalikasan kapag hindi natin inilalagay ang ating pera sa tamang kalakal, ekonomiya.” pahayag ni Luistro

Kasama din sa panawagan ng grupo ang mga bangko na huwag aprubahan ang pangungutang ng mga kompanyang may kinalaman sa pagmimina, coal powered plant at iba pang negosyo na nakakasira sa kapaligiran.

“Huwag nating kalimutan ang karapatan ng ating kalikasan. Kaya tinawag nating itong ‘Living Laudato Si Movement’ dahil kinuha natin ang inspirasyon kay Pope Francis sinabi nya an gating kalikasan ay isa sa pinakamahirap ‘poorest of the poor, dahil sa haba ng panahon hindi na natin naisip na pinagnanakawan natin siya, inaabuso natin tayo mismo naghihirap dahil sa ating kagagawan,” ayon kay Luistro.

Hinikayat din ni Luistro ang simbahan at katolikong institusyon na alamin ang mga pinaglalagakang ‘investment’ kung ito ba ay naayon sa panawagan ni Pope Francis sa kaniyang ‘Laudato Si’.

Isinusulong ngayon ng grupo ang Living in Laudato Si bilang tugon sa panawagan na bawat isa kabilang na ang simbahan at mga institusyon dahil lahat ay may tungkulin sa pangangalaga sa kalikasan.

Sa Encyclical na Laudato Si ni Pope Francis, kinokondena nito ang kawalang katarungang ng mayayamang kumpanya ng minahan sa mahihirap na komunidad, dahil lalo lamang itong nagdadagdag ng pasakit sa mga mamamayan sa pagkasira ng kapaligiran na nagdudulot ng panganib maging sa mamamayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapayapaan na ba sa wakas?

 4,997 total views

 4,997 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Ang PAPA Leave Act

 20,693 total views

 20,693 total views Mga Kapanalig, maaaring magkaroon ng hanggang 105 araw na paid paternity leave ang mga tatay kapag maging batas ang House Bill No. 9891

Read More »

Hindi solusyon ang kriminalisasyon

 29,093 total views

 29,093 total views Mga Kapanalig, kabubukás pa lamang ng mga klase nitong Hunyo, sinusubok na agad ang ating mga paaralan ng mga insidente ng karahasan.  Noong

Read More »

APAT NA DEKADA

 93,765 total views

 93,765 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 161,061 total views

 161,061 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top