Livelihood at trabaho, kailangan ng mga taga-Marawi

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 501 total reads

Livelihood at trabaho ang pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan ng Marawi City na matinding naapektuhan ng digmaan.

Ito ang inihayag ni Father Teresito Soganub – Vicar General at Chancellor ng Prelature of Marawi matapos gunitain ang isang taong anibersaryo ng paglaya ng Marawi City mula sa mga teroristang Maute Isis.

Ayon sa pari, nasira ang normal na daloy ng buhay ng mga Maranao dahil sa naranasan ng mga ito na giyera at displacement kaya naman hirap ang bawat isa na itaguyod muli ang kanilang mga sarili o buong pamilya.

“Ang mga pangangailangan nila dahil nawalan sila ng Trabaho so malaking pangnangailangan nila yung livelihood at saka nawalan na silang tirahan so saan sila mag shelter, nasira din yung normal nila, normal ways in life na kahit na mahirap sila, nagtatrabaho sila, may amo sila, may uuwian sila, pero dahil sa Giyera din wala din nahihirapan silang magsimula,” pahayag ni Father Soganub sa Radyo Veritas.

Dagdag pa ng Pari, kinakailangan din ng Psychological Intervention ng marami sa kanilang mamamayan dahil sa malalim nitong mga karanasan sa digmaan.

Inamin ni Father Soganub na maging siya ay hindi pa lubusang naka-recover mula sa trauma na dulot ng kanilang pagkakabihag.

Sinabi ng Pari na bagamat tuloy-tuloy ang suporta ng Simbahang Katolika ay kinakailangan parin nila ng dagdag pang tulong mula sa pamahalaan para sa psychological intervention ng iba pang mga Maranaw na na-trauma sa giyera.

“Patuloy pa nag i-struggle to recover, patuloy pa yung recovery at yun nga, sarili lang namin, wala pa kaming maraming assistance from the Government or what, so kami-kami lang ang nagsusuport ng sarili namin, but well that’s life we have to find ways to recover. Ang Church din ang nag a-assist ng mga needs para sa medication at saka yung ibang mga needs namin.” Dagdag pa ng Pari.

Matatandaang Oktubre 17, 2018 nang ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglaya ng siyudad ng Marawi mula sa Maute-Isis terrorist group.

Sa kasalukuyan, tinatayang nasa 20,000 mga mamamayan ng Marawi ang hindi pa rin nakababalik sa kanilang mga tahanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 12,697 total reads

 12,697 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 100,047 total reads

 100,047 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 146,787 total reads

 146,787 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 194,659 total reads

 194,659 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 298,178 total reads

 298,178 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 42,828 total reads

 42,828 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 35,704 total reads

 35,704 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top