Simbahan, hinimok ang mga kabataan na ugaliin ang pananalangin ng Santo Rosaryo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 654 total reads

Umaasa si Aid to the Church in Need Philippines Chief Executive Officer Former Philippine Ambassador to the Holy See Henrietta de Villa na muling maibalik sa kaugalian ng mga Filipinong kabataang Katoliko ang pananalangin ng Santo Rosaryo.

Ayon kay De Villa, nawa ay magsilbing panimula ang inilunsad ng ACN Philippines na 1 Million Children Praying the Rosary Campaign sa bansa upang muling maibalik ang naturang magandang kaugalian ng mga Filipinong Katoliko partikular na sa mga kabataan.

Iginiit ni De Villa na magandang pagkakataon ang pananalangin ng Rosary ng mga kabataan upang ipagdasal rin ang iba pang mga bata sa buong mundo na dumaranas ng mga paghihirap sa kanilang murang edad.

“Kasama ng ating mga anak, ng ating mga apo, lahat ng mga bata, ulukan natin sila na magdasal para sa ibang bata rin na nahihirapan at pinapahirapan sa buong mundo. Araw-araw gawin nating kaugalian na ang mga bata magdadasal ng Rosaryo kasama natin…” pahayag ni Ambassador de Villa sa panayam sa Radio Veritas.

Naging matagumpay na isinagawa ang kauna-unahang paglahok ng bansa sa simultaneous One Million Children Praying the Rosary Campaign sa Diocese of Caloocan na pinangunahan ng mga kabataang mag-aaral ng San Jose Academy kasama ang mga kabataan mula sa Syria, Korea, Australia at Marawi.

Ipinagdarasal ng mga kabataan ang kapayapaan sa buong mundo gayundin ang iba pang mga batang biktima at naulila ng kaguluhan, digmaan at karahasan gaya ng mga kabataang Filipino na naulila dahil sa marahas na kampanya ng pamahalaan laban sa illegal na droga.

Nagkaloob rin ang mga estudyante ng San Jose Academy ng kanilang mga allowance o baon upang makatulong na makalikom ng pondo para sa mga programa ng Aid to the Church in Need sa mga kabataan partikular na sa persecuted Christian Communities sa iba’t ibang bansa.

Batay sa tala ng ACN Philippines, bukod sa mahigit 80 iba’t-ibang bansa na nakibahagi sa naturang simultaneous Worldwide Prayer Event ay nakiisa rin ang may 777-mga paaralan at 1,289 na mga parokya sa Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 5,416 total reads

 5,416 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 93,369 total reads

 93,369 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 140,108 total reads

 140,108 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 187,980 total reads

 187,980 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 291,792 total reads

 291,792 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top