Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Loon Church, naibalik na sa dating anyo matapos mapinsala ng lindol noong 2013

SHARE THE TRUTH

 510 total views

Tiniyak ng Diyosesis ng Tagbilaran ang pag-iingat at pangangalaga sa bahay dalanginan ng Nuestra Señora de la Luz sa Loon Bohol.

Ito ang mensahe ni Bishop Alberto Uy kasunod ng pormal na pag-turnover matapos ang pagsasaayos at maibalik sa dating anyo ang simbahan na lubhang napinsala ng lindong noong 2013.

“Your priest and I, promise to honor the commitment of the Diocese of Tagbilaran to maintain and promote this sacred edifice as a temple worthy of our divine worship of the triune God and a true source of pride of place for all Boholano,” bahagi ng mensahe ni Bishop Uy.

Matatandaang ang Loon Church ay isa sa mga simbahang ideneklarang ground zero matapos yanigin ng magnitude 7.2 na lindol ang lalawigan noong Oktubre 2013.

Isa ang Loon Church sa mga kilalang simbahan ng Bohol dahil sa mayamang bahagi ng kasaysayan na unang itinatag ng mga misyonerong Heswita noong 1753 habang taong 1758 naman ng ipagkatiwala ito sa mga Rekoleto.

Batay pa sa kasaysayan 1855 nang ganap na mailuklok ang imahe ng Birhen de la Luz sa Loon Bohol.

Taong 2010 naman ng ideneklara ng National Historical Commission of the Philippines ang Loon Church bilang National Historical Landmark at National Cultural Treasure naman ng National Museum of the Philippines.

Dahil dito, tumulong ang national government sa pagsasaayos ng simbahan na maibalik sa dating anyo dahil sa pagiging malaking bahagi at kahalagahan nito sa kasaysayan ng bansa lalo na sa pagpapalago ng pananampalataya ng mamamayan.

Pinasalamatan ni Bishop Uy ang pamahalaan at mananampalataya na nagtulungan upang muling maitayo ang simbahan at maipagpatuloy ang misyong ipalaganap ang mabuting balita ng Panginoon.

Ginanap ang turnover ceremony at dedication ng simbahan nitong September 7 na dinaluhan ng mga opisyal ng local government, opisyal ng National Museum at National Historical Commission, mga pari ng diyosesis at mananampalataya ng Loon Bohol.

Nagagalak ang mga deboto ng Mahal na Birhen ng muling buksan ang simbahan lalo ngayong September 8 na ipinagdiriwang ang kaarawan ng Mahal na Ina at kapistahan ng naturang parokya.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GEN Z PROBLEM

 28,779 total views

 28,779 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 46,763 total views

 46,763 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 66,700 total views

 66,700 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 83,607 total views

 83,607 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 96,982 total views

 96,982 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Mga educator, kinilala ni Pope Leo XIV

 26,115 total views

 26,115 total views Kinilala at pinasalamatan ni Pope Leo XIV ang mga nagatatrabaho sa larangan ng edukasyon sa patuloy na pagsasabuhay ng misyong hubugin at linangin

Read More »
Scroll to Top