LASAC, nakaalerto sa bagyong Jolina

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 583 total reads

Nakataas sa Red Warning ang buong lalawigan ng Batangas at Quezon bunsod ng pananalasa ng severe tropical storm Jolina at hanging Habagat na ramdam din ang epekto sa iba pang bahagi ng bansa partikular na sa malaking bahagi ng Luzon.

Sa panayam ng Radio Veritas kay Lipa Archdiocesan Social Action Commission (LASAC) assistant chief operating officer Rev. Mark Ian Abu, nakaantabay ngayon ang lahat para sa posibleng pag-landfall ng Bagyong Jolina sa lalawigan ng Batangas.

Hindi pa man ganap na nakakalapag sa lupa ang bagyo ay naitala na ang malaking pagbaha sa isang barangay sa Batangas City habang mayroon namang pagguho ng lupa sa bayan ng Tingloy.

Ayon kay Rev. Abu, sa kasalukuyan ay nasa 18 pamilya o 51 indibidwal na ang apektado at nagsilikas bunsod ng epekto ng bagyo.

Nakahanda naman ang LASAC sa posibleng pamamahagi ng tulong para sa mga higit na maaapektuhan ng bagyong Jolina.

“Dito sa amin sa LASAC ay kami po naman ay naka-ready ng ating mga posible na maibababangtulong… Mamayang hapon kami’y may balak na umikot para magmonitor din at may mga naka-stockpile naman tayong mga pang-ayuda at biglaang tulong natin sa ating mga kababayan kung sakaling sila’y mangangailangan,” pahayag ni Rev. Abu sa panayam ng Radio Veritas.

Samantala, ayon naman kay Diocese of Lucena Social Action Director Fr. Archie Jacela, hindi pa gaano ramdam ang epekto ng bagyong Jolina sa lungsod ng Lucena sa lalawigan ng Quezon.

Ngunit, may ilan nang nagsilikas na mga residente sa Barangay Gulang-gulang, Lucena City dahil sa pag-apaw ng ilog na naging sanhi ng pagbaha.

“Sa report po ng service committee ng mga parokya ay wala pa namang apektado. Maliban sa Brgy. Gulang-gulang, Lucena. May bumaha na area malapit kasi sa ilog. Nag-evacuate na diumano sa school iyong ilang residente,” mensahe ni Fr. Jacela sa Radio Veritas.

Batay sa huling ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang sentro ng bagyong Jolina malapit sa Rosario Batangas.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin sa 95 kilometro kada oras malapit sa sentro, pagbugso na aabot sa 130 km/h, at kumikilos pa-kanluran hilagang-kanlurang direksyon sa bilis na 15 km/h.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 9,781 total reads

 9,781 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 9,908 total reads

 9,908 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 18,258 total reads

 18,258 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 74,664 total reads

 74,664 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 198,165 total reads

 198,165 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 282,631 total reads

 282,631 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 175,191 total reads

 175,191 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top