Paggawa ng kabutihan, pinakamahalagang regalo kay birheng Maria-Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 591 total reads

Binigyang-diin ni Archdiocese of Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na ang mamuhay ayon sa mga halimbawa ni Hesus ang pinakamagandang regalo ng mananampalataya sa Mahal na Birheng Maria.

Ito ang mensahe ng arsobispo sa kapistahan ng pagsilang ng Mahal na Ina nitong September 8.

Ipinaliwanag ni Cardinal Advincula na ang paggawa ng kabutihan ang magbibigay kasiyahan sa ina ng sanlibutan.

Sinabi pa ng Cardinal na makapagbibigay kasiyahan sa Mahal na Ina ang pagkakaisa ng mamamayan sa paglingap sa kapwa at paninindigan sa katotohanan at katarungan.

“Ang pinakamagandang regalo natin kay Maria ay ang pagsisikap nating maging katulad ni Hesus. Kung tayo ay sumusunod sa kalooban ng Diyos, tumutulong at dumaramay sa kapwa, nagmamalasakit at nagmamahal sa lahat; kung tayo ay naninindigan sa katotohanan, karangalan, katarungan, katuwiran, at isinasa-alang-alang ang kabutihan ng nakararami; kung tayo ay mabuting mamamayan ng ating bayan at miyembro ng Simbahan,” bahagi ng pahayag ni Cardinal Advincula sa Radio Veritas.

Inihayag pa ng Kardinal na tulad ng mga ina ng tahanan nais ng Birheng Maria na makita ang mga anak na maayos, mabuti at mabait na nakikitungo sa kapwa sa pagkakamit ng pagkakaisa at kapayapaan sa lipunan.

Hinimok ni Cardinal Advincula na bukod sa pagpaparangal at pag-aalay ng mga bulaklak ay mahalagang isabuhay ng bawat isa ang mga turo ni Hesus bilang tugon sa pahayag ng Mahal na Birhen sa Juan 2: 5 ‘gawin ninyo ang anumang sabihin Niya [Hesus] sainyo’.

Kaugnay dito, hinikayat ng simbahang katolika na makiisa sa pagdiriwang ng Banal na Misa sa livestreaming bilang pagpaparangal sa Mahal na Ina.

Dahil sa pananatiling mahigpit ng quarantine restrictions sa National Capital Region at ibang lalawigan hindi pa rin pinahihintulutan ang religious gatherings kaya’t inaanyayahan ang mananampalatya sa online masses.

Sa Radio Veritas matutunghayan ang mga misa apat na beses araw-araw tuwing alas dose ng hatinggabi, alas sais ng umaga, alas dose ng tanghali, at alas sais ng gabi.

Patuloy ding isinasagawa sa bansa ang healing rosary for the world para sa paghilom ng daigdig sa COVID-19, suliranin ng kagutuman, kahirapan at ang laganap na karahasan sa lipunan.

Nauna nang kinilala ang Pilipinas na Pueblo Amante de Maria o bayang namimintuho sa Mahal na Birhen dahil sa mayamang debosyon sa Mahal na Ina.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 9,963 total reads

 9,963 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 10,090 total reads

 10,090 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 18,609 total reads

 18,609 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 75,015 total reads

 75,015 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 198,516 total reads

 198,516 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 282,962 total reads

 282,962 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top