Bishop Famadico, ipinagdarasal ang kaligtasan ng mamamayan sa pananalasa ng Bagyong Jolina

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 488 total views

Idinadalangin ni San Pablo, Laguna Bishop Buenaventura Famadico ang kaligtasan ng lahat laban sa pananalasa ng Bagyong Jolina at hanging Habagat sa malaking bahagi ng bansa.

Ipinagdarasal ni Bishop Famadico na pagkalooban ng Panginoon ang bawat isa nang lakas ng loob at pag-asa sa kabila nang mga sakuna lalo na’t patuloy pa ring umiiral ang coronavirus pandemic sa lipunan.

Hinihiling din ng Obispo na nawa’y sa ganitong mga pagsubok ay manaig din sa bawat isa ang pagtutulungan at pagmamalakasit lalo na sa mga higit na nangangailangan at apektado ng mga sakuna.

“Mapagkalingang Ama, sa gitna ng paghihirap dala ng pandemic [ay] dumating itong bagyo. Alam namin na kasama ka pa rin namin upang tulungan kami at iligtas. Bigyan mo kami ng lakas upang magkatulungan at magbahaginan sa gitna ng kakulangan. Bigyan mo rin kami ng ibabahagi sa isa’t isa. Punuin mo kami ng lakas ng loob at pag-asa,” panalangin ni Bishop Famadico laban sa sakuna.

Batay sa forecast ng PAGASA, patuloy na binabantayan sa loob ng Philippine Area of Responsibility ang dalawang bagyong nakakaapekto sa buong bansa na pinalalakas ng Hanging Habagat.

Ito ay ang Bagyong Jolina na huling namataan sa San Nicolas, Batangas, kung saan taglay pa rin nito ang lakas ng hangin sa 95 kilometro kada oras malapit sa sentro, pagbugso na aabot sa 160 km/h, at kumikilos sa direksyong pahilagang-kanluran sa bilis na 15 km/h.

Habang binabantayan din ang Bagyong Kiko na nasa silangang bahagi ng Gitnang Luzon, taglay ang lakas ng hangin sa 155 km/h malapit sa gitna, pagbugso na aabot sa 190 km/h, at kumikilos pakanluran-timog-kanlurang direksyon sa bilis na 20 km/h.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 59,089 total views

 59,089 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 54,958 total views

 54,958 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 91,160 total views

 91,160 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 99,454 total views

 99,454 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 123,877 total views

 123,877 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top