Love is the hallmark of what being a Christian-Bishop Bagaforo

SHARE THE TRUTH

 20,513 total views

Binigyang-diin ni Caritas Philippines President Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo ang kahalagahan ng pag-ibig at habag bilang katangian ng pagiging mabuting Kristiyano.

Sa Banal na Misa para sa ikalawang araw ng 41st National Social Action General Assembly (NASAGA) sa Jaro, Iloilo, ibinahagi ni Bishop Bagaforo na pangunahing tanda ng pagiging tagasunod ni Kristo ay ang pagpapakita ng awa at habag na halimbawa ng pag-ibig sa kapwa.

“Love, therefore, is the hallmark of what being a Christian is all about. We cannot be followers of Christ if there is an absence of mercy and compassion in us,” bahagi ng pagninilay ni Bishop Bagaforo.

Ayon kay Bishop Bagaforo, ipinapaalala ng ebanghelyo na ang bawat isa ay tinatawag at inaasahang maging mapagmahal at mahabagin, katulad ng Panginoon Hesukristo.

Dagdag pa ng obispo na ang pagiging Kristiyano ay hindi lamang tungkol sa pananampalataya, kundi tungkol din sa pagpapakita ng pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa, at sa pagsusumikap na magdala ng kabutihan sa buong komunidad.

“This is what our ministry, Episcopal Commission on Social Action, Justice, and Peace calls on us. We love as to empower those entrusted to our care…How do we empower our communities? Empowerment is to make each of us and our communities “Alter Christus”, another Christ,” ayon kay Bishop Bagaforo.

Una nang nagpahayag ng pag-asa si Bishop Bagaforo na magdudulot ng positibong epekto sa mamamayan ang mga pinagtitibay na layunin ng Caritas Philippines sa pamamagitan ng NASAGA para sa kaayusan ng lipunan.

Tema ng 41st NASAGA ang “Social Action Network: Journeying to Empower Communities in Faith, Love, and Justice”.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE 2025

 24,069 total views

 24,069 total views Mga Kapanalig, katatapos lang ng midterm national and local elections pero may pang isang halalan sa taóng ito. Isasagawa sa Disyembre ang Barangay

Read More »

Anong pinagtataguan mo?

 35,074 total views

 35,074 total views Mga Kapanalig, gaano kalayo ang kayang takbuhin ng isang tao para makaiwas sa pananagutan? Sa kaso ng dating tagapagsalita ni dating Pangulong Duterte

Read More »

To serve and protect

 42,879 total views

 42,879 total views Mga Kapanalig, para sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, ang mga awtoridad ay obligadong ipatupad ang batas alinsunod sa kung ano

Read More »

TOO MUCH GENERAL EDUCATION

 59,509 total views

 59,509 total views Quality education, kailan kaya natin ito makakamit Kapanalig? Taon-taon, nahaharap sa maraming problema ang sektor ng edukasyon sa bansa., kabilang dito ang hindi

Read More »

AUGUST CHAMBER

 75,298 total views

 75,298 total views The Filipino people have the right to know the truth! Noong 1916, itinatag ang tinaguriang AUGUST chamber o Senate of the Philippines. Nagsilbi

Read More »

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top