Social action ministers, hinimok ng CBCP na ire-orient ang priorities

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 21,166 total views

Hinimok ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang social action ministers na ituon ang pansin sa pagbabago ng lipunan kaakibat ang mga gawaing pagtulong at pag-unlad ng pamayanan.

Ayon kay CBCP president, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, kabilang dito ang mga programa at inisyatibo para sa pulitika, ekonomiya, at kultura.

Ginawa ni Bishop David ang panawagan sa video message para sa mga kalahok ng 41st National Social Action General Assembly (NASAGA) sa St. Vincent Ferrer Seminary sa Jaro, Iloilo.

“We should reorient our social action priorities towards social change, towards the transformation of societal structures… in the light of the Gospel and social doctrine of the Church,” ayon kay Bishop David.

Binigyang-diin ng pangulo ng CBCP na ang adbokasiya ng simbahan hinggil sa human development o pag-unlad ng tao ay pinupukaw ng pag-ibig ni Kristo at hindi ng anumang ideolohiya o paniniwalang politikal.

Sinabi ni Bishop David na ang pananampalataya ay nagtutulak sa atin sa paglilingkod na makita ang kapwa bilang kapatid, lalo na ang mga nasa laylayan.

Dagdag pa ng obispo na dahil sa pananampalataya at pagmamahal, ang lahat ay nahihikayat na makilahok sa mga kongkretong pagkilos para sa katarungan.

Hinimok din ng pinuno ng kalipunan ng mga obispo ng Pilipinas ang higit na pag-unawa sa mga katuruang panlipunan ng simbahan sa gawain at layunin ng social action.

“Please soak yourselves in the social teachings of the Church, which alone can orient you to the foundation of social action—our stubborn insistence on the dignity, the innate dignity of all human beings as creatures in the image and likeness of God,” saad ni Bishop David.

Halos 300 delegado mula sa 67 diyosesis ang dumalo sa pagtitipong may temang “Social Action Network: Journeying to Empower Communities in Faith, Love, and Justice”.

Kabilang sa mga tinalakay na paksa ay ang mga pambansang usaping nakakaapekto sa mamamayan tulad ng sitwasyon sa West Philippine Sea, ang tungkulin ng Simbahan sa pulitika, at ang kasalukuyang kalagayan ng enerhiya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 52,447 total views

 52,447 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 48,316 total views

 48,316 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 84,518 total views

 84,518 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 93,082 total views

 93,082 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 117,987 total views

 117,987 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top