Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mabigat na parusa sa medical waste disposal, hiniling

SHARE THE TRUTH

 554 total views

Kinakailangan nang magkaroon ng panibagong batas o ordinansa na magpapabigat sa parusa kaugnay sa medical waste disposal.

Ito ang naging tugon ni environment lawyer Atty. Galahad Richard Benito sa maling pagtatapon ng mga infectious medical waste lalo na ngayong panahon ng Coronavirus pandemic.

Sa panayam ng Radyo Veritas kay Atty. Benito, sinabi nitong ang medical waste ay hindi nasasaad sa Hazardous Waste Act at napakababa ng parusang ipinapataw sa mga lumalabag dito.

“The term solid waste excludes medical waste. Even if those who illegally dumped the waste are prosecuted for simple dumping, the penalty is very low. It is also not hazardous or toxic waste under the Hazardous Waste Act. We need a new law or ordinance regarding medical waste disposal,”, ang bahagi ng pahayag ni Atty. Benito sa Radyo Veritas.

Noong nakaraang Miyerkules, natagpuan sa isang kalsada sa Sampaloc, Manila ang nagkalat na mga gamit na rapid test kit na maaaring may COVID-19 na nagmula sa CP Diagnostic Center, isang medical laboratory na matatagpuan sa Quiapo, Maynila.

Nahaharap ang nasabing laboratoryo sa paglabag sa Republic Act No. 9003 o An Act Providing For An Ecological Solid Waste Management Program at Republic Act No. 6969 o ang Toxic Substances and Hazardous and Nuclear Waste Control Act of 1990.

Napag-alaman din sa Bureau of Permits and Licenses Office (BPLO) ng pamahalaang lungsod ng Maynila na ang CP Diagnostic Center ay walang sanitary permit at expired na rin ang kontrata nito sa nakatalagang taga-pangolekta ng mga medical waste nito.

Ayon sa Catholic Social Teaching, bagamat pabor ang Simbahan na kumita ang isang mamumuhunan, kinakailangan na ang negosyo nito ay hindi nagdudulot ng kapahamakan sa kalusugan o sa buhay ng tao.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Prayer Power

 44,724 total views

 44,724 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 82,205 total views

 82,205 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 114,200 total views

 114,200 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 158,927 total views

 158,927 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 181,873 total views

 181,873 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 8,971 total views

 8,971 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 19,466 total views

 19,466 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Archbishop Uy, nanawagan ng tulong

 7,267 total views

 7,267 total views Nanawagan si Cebu Archbishop Alberto Uy sa mamamayan ng Cebu na magkaisa sa pagtulong sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Tino, na nanalasa

Read More »
Scroll to Top