Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 603 total views

Linggo ng Mabuting Pastol, Ikaapat na Linggo ng Pagkabuhay, Ika-8 ng Mayo 2022, Jn 10:27-30

Bago ang lahat, tatlong pagbati. Una, Happy Easter po, dahil nasa panahon pa rin tayo ng Pagkabuhay. Pangalawa, Happy Good Shepherd Sunday po, dahil ang ikaapat na Linggo ng Pagkabuhay ay Linggo ng Mabuting Pastol. At pangatlo, happy Mother’s Day po. Sino pa ang pinakamabuting halimbawa ng mabuting pastol kundi ang mga nanay, di ba? Palakpakan naman po natin ang mga nanay natin, maging mga nanay na buhay pa dito sa mundo o mga nanay natin na nasa kabilang buhay na ngunit buhay na buhay pa rin sa ating alaala at pagkatao.

Tatlong bagay din po ang nais kong itawag pansin sa bawat isa sa ating tatlong pagbasa. Ang una, lumabas daw si San Pablo sa sinagoga upang pahayagan din ng mabuting balita ang mga Hentil na nakikinig sa labas, matapos na i-reject sila ng mga kapwa-Hudyo niya na nasa loob.

Alam nyo ba na sa Singapore, ang pinakamalakas daw na mag-evangelize doon ay si Mama Mary? Nalaman ko ito noong dumalaw ako sa tinatawag nilang “Novena Church”, na katumbas ng ating Baclaran. Ang lakas din pala doon ng debosyon sa Mother of Perpetual Help.

Tandang-tanda ko pa noong first time ko doon, punong-puno ang simbahan sa loob at labas. Pero mas marami ang nasa labas. Sabi sa akin ng paring Singaporean pagkatapos ng Misa—“Sa palagay mo ba, ilang porsiyento ng nagsisimba dito ang Kristiyano?” Sabi ko, “Ibig mong sabihin, may mga nagsisimba rito na hindi Kristiyano?” Napangiti siya at sabi niya, “Baka nga mas marami pa sila.”

In-explain niya sa akin na marami pala sa mga nagsisimba doon ang mga Muslim at Buddhists. Dumadalo pero doon lang sila sa labas. Dahil yata Mother of Perpetual Help ang Pangalan ng simbahan at napakapopular nito, dinudumog talaga ng mga taong may sari-saring pangangailangan na ipinagdarasal. Kahit naman hindi Kristiyano marami ding mga pangangailangan na ibig ipagdasal, di ba? Isinusulat na sa papel at inihuhulog sa mga kahon sa loob at labas ng simbahan. Matapos lang ang ilang linggo ang kasunod ay mga sulat ng pasasalamat “for answered prayers.”

Biro nyo, pati hindi Kristiyano sumusulat din at humihingi ng dasal kay Mama Mary at nagnonobena! Ang iba sa kanila nagsisimba pa daw; hindi nga lang nagkokomunyon. At sa katagalan, marami sa kanila ang nagpapabinyag na rin. Pag initerview sila, sinasabi daw sa pari: “Father, mahigit na ten years na po akong nagsisimba dito at nakikinig sa ebanghelyo. At napakarami na rin po ng mga hiningi sa Diyos na pinagkaloob. Gusto ko sanang maging Kristiyano na rin.”

Parang pastol din pala si Mama Mary—ang kalinga niya ay hindi lang para sa mga taga-loob. Totoo naman na sa lipunan, mas marami talaga ang taga-labas kaysa taga-loob. Mga tipong hindi kasali, hindi pinakikinggan, hindi pinapansin, nananatili sa laylayan. Ang mabuting pastol ay nakababad, hindi siya malayo. Alam niya at ramdam niya ang hinaing, hindi lang ng nasa loob kundi pati na rin ng mga nasa labas, dahil lumalabas siya. Hindi siya isang tipong pinalaki sa layaw na bigay hilig sa luho at walang gaanong alam sa daigdig ng mga nasa laylayan dahil lumaki sa mala-palasyong tirahan.

Ngayon naman, pangalawang punto, dumako tayo sa second reading sa Book of Revelation. Sa dulo ng pagbasa, sinasabi ni San Juan, “Ang korderong nasa gitna ng trono ay siyang magiging pastol nila.”

Noon pa man, nagtataka na ako tungkol sa paglalarawan kay Kristo bilang sabay na Mabuting Pastol at Kordero ng Diyos! Matagal ko nang tinatanong sa sarili ko, hindi ba magkasalungat ang dalawa? Ang isa ay nagpapastol at ang kordero naman ay pinapastulan. Alin ba talaga sa dalawa?

Ang tinatawag na kordero ay ang pinakabata o pinakabisero sa mga tupa. Sila ang pinakamahina at pinakapaboritong biktimahin ng mga asong gubat. Siyempre, maliit pa kasi sila at bata, mabagal tumakbo. Pwedeng matapakan ng mas malalaki. Mahina pa ang mga tuhod, pwedeng mahulog sa bangin.

Kaya pala nang magpakita ang Kristong muling nabuhay kay Pedro at tinanong siya, MAHAL MO BA AKO? Ang unang habilin ni Hesus sa kanya ay “Pakainin mo ang aking mga kordero.” Ibig sabihin “Huwag mo sanang pababayaan ang mga maliliit.”

Sa lipunan, kapag ang namayaning prinsipyo ay MATIRA ANG MATIBAY, marami talagang mapapabayaan—ang mga mahihirap, mga maliliit, mga walang kalaban-laban. Sila ang madalas samantalahin ng mga asong gubat. Maraming asong gubat sa lipunan natin—gumagamit sila ng lakas, pera, dahas, para manalo sa eleksyon. Mga tipong patron ang dating, kapag eleksyon lang galante. Mahilig manlinlang, parang iyung wolf sa kwento ng Little Red Riding Hood, nagpapanggap na lola, iyon pala mandarambong. Sinasamantala ang mga mahihirap na dahil sa karukhaan, kung minsan ay napipilitang kumapit sa patalim. Gumagamit sila ng pera kapag eleksyon na parang paen na pangbingwit. Iyun pala kapag nabingwit ka, hindi ka na makakapalag, piprituhin ka nang buhay, wala ka nang kawala!

Kaya pala pinagsasama sa Christian tradition ang Pastol at Kordero, pinag-iisa. Dahil ang pastol ay handang maging kordero, handang mag-alay ng buhay alang-alang sa kawan. At inuuna ang kapakanan ng pinakadehado, pinakamahina, pinakakawawa.

At ngayon naman ang pangatlong punto na ating kukunin sa ating ikatlong pagbasa sa ebanghelyo. Sinasabi ng Panginoon na ang kawan ay ipinagkatiwala sa kanya ng Ama, kaya hindi niya sisirain ang tiwala ng Ama sa kanya, aalagaan niya ang kawan alang-alang sa Ama, dahil ako at ang Ama ay iisa, wika niya.

Hindi ba kayo nagtataka na sa taong ito, nagsabay ang Good Shepherd Sunday sa Mother’s Day? Hindi kaya dahil may ipinahihiwatig sa atin ang Panginoon?

Para sa akin, at sa maraming mga Pilipino, ang mga ina ang pinakamabuting mga huwaran ng Mabuting Pastol. Lalo na ang mga inang maagang nabalo o nawalan ng katuwang sa buhay at ngayon ay magiging single mother na sasabak sa responsibilidad ng pagpapalaki sa mga anak at gagampan sa gawain ng Ama at Ina.

Ganito ang naranasan ng yumaong nanay ko. Biro nyo, labingtatlo kaming magkakapatid at maaga ding namatay ang tatay namin. Pero inako ng nanay ko pati ang gawain ng tatay ko at pinatapos kaming lahat sa kolehiyo. Iyong kahit wala na ang tatay namin, parang nandoon pa rin siya. Para siyang ang Mabuting Pastol na nagsabing “Ang ama at ako ay iisa.” Si nanay rin, para dumating sa punto na ang gawain ng tatay at nanay ay naging iisa sa kanya.

Bukas po halalan na. Sa araw na ito ng Linggo ng Mabuting Pastol, itanong natin sa sarili kung ang napili nating magpapastol sa ating bayan ay malapit man lang sa mga katangian ng isang Mabuting Pastol. Siya ba’y handang lumabas at makibabad sa mga nasa laylayan? Siya ba’y handang maki-identify at magtanggol sa mga maliliit na kordero at handang magbuwis ng buhay para sa kanila kapag nilusob ng mga mandarambong na asong gubat? Siya ba’y pwedeng maging tatay at nanay sa bayan na hindi niya hahayaang lumaking parang mga ulilang pinabayaan?

Huwag po sanang kalilimutan ng mga botante sa atin na bumoto nang tama at ayon sa konsensya bukas alang-alang sa bayan, at sa kinabukasan ng inyong mga anak at apo. Happy Mother’s Day po sa inyong lahat.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 13,595 total views

 13,595 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 21,076 total views

 21,076 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 34,216 total views

 34,216 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 40,189 total views

 40,189 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 45,943 total views

 45,943 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

REVELATION TO THE CHILDLIKE

 1,144 total views

 1,144 total views Homily for Wed of the 15th Wk in OT, 17 July 2024, Isa 10:5-7, 13b-16; Mt 11:25-27 Our first reading today is a grim warning to modern-day world powers who bully their neighbors. It is a good reminder for nations that have become economically prosperous and militarily powerful to the point of throwing

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

APOSTOL, SUGO, KINATAWAN

 1,145 total views

 1,145 total views Homiliya Para sa Ika-15 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hulyo 2024, Markos 6:7-13 Nais ko sana na itutok natin ang ating pagninilay sa araw na ito sa kahulugan ng pagiging “apostol”. Alam ko na ang karaniwang iniuugnay natin sa salitang “apostol” ay ang 12 lalaki na pinili ni Hesus mula sa kanyang mga

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 3,899 total views

 3,899 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IN JESUS’ NAME

 8,314 total views

 8,314 total views Homily for Wed of the 13th Wk in Ordinary Time, 10 July 2024, 18th Episcopal Ordination Anniversary, Mk 10:1-7 On Thursday last week, the final day of the annual retreat of the CBCP, we has as main presider at the Eucharistic Celebration the Secretary of the Holy See’s Relations with States, Abp. Paul

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KATATAGAN

 3,640 total views

 3,640 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalabindalawang Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Hunyo 2024, Mat 7:21-29 “Malapit na ang giyera!” Ito ang babala ng mga propeta sa Jerusalem. Pero walang sumiryoso sa babala nila. Hanggang minsan isang araw bigla na lang nagkatotoo. Ang katuparan ng malagim na hula ay ang malungkot na kuwentong narinig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE HEART AND THE EYE

 4,163 total views

 4,163 total views Homily for Friday of the 11th Wk in Ordinary Time, 21 June 2024, Mt 6:19-23 Today’s Gospel makes me understand the expression, “His heart is in the right place.” The idiom is understood to mean “He has good intentions despite his flaws and mistakes.” Or “He has shortcomings but he is sincere and

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GOD THE FARMER

 5,662 total views

 5,662 total views Homiliya para sa Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hunyo 2024, Mk 4:26-34 Dalawang punto lang ang mungkahi kong pagnilayan natin tungkol sa mga talinghagang narinig natin sa ebanghelyo ngayon. Una, ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Pangalawa, tayo mismo ay para ding mga binhi. Simulan natin sa una. Ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GO OUTSIDE!

 6,506 total views

 6,506 total views Homily for Friday of the 10th Week in Ortdinary Time, 14 June 2024, 1 Kings 19; Mt 5:27-32 Like I told you yesterday, the drama in the life and mission of the prophet Elijah—which has been read from the first book of Kings for the past few days now—continues today with chapter 19.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGDILANG ANGHEL

 4,761 total views

 4,761 total views Homiliya para sa Misang Paggunita kay San Antonio de Lisbon, 13 Hunyo 2024, Mt 5:20-26 “Magdilang-anghel ka nawa!” Ito ang sinasabi natin sa Pilipino pag may binigkas na hula ang iba na ibig nating magkatotoo. Isang taong may dilang anghel, ito ang turing ng mga taga-Padua kay San Antonio dahil sa tindi ng

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SAN ANTONIO DE LISBON

 8,974 total views

 8,974 total views Homiliya para sa Bihilya sa Kapistahan ni “San Antonio de Padua,” Miyerkoles sa Ikasampung Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Hunyo 2024, Mat 5, 17-19 Salamat sa Marian pilgrimage ng Kaparian ng Kalookan, bukod sa dalaw namin sa lugar na pinangyarihan ng aparisyon ng Birhen sa Fatima, nakadalaw din kami sa bayan ng ating

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE “GOOD MAN”, BARNABAS

 8,206 total views

 8,206 total views Homily for Thursday of the 10th Week in Ordinary Time, 11 June 2024, Mat. 10:7-13 Today is the Feast of the Holy Apostle and Martyr, St Barnabas, whom St Luke describes in our first reading today as “a good man, filled with the Holy Spirit and faith”. In one of my past homilies

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAHANAN NG PUSO

 12,416 total views

 12,416 total views Homiliya Para sa Ika-10 Linggo ng Karaniwang Panahon, 9 Hunyo 2024, Mk 3:20-35 Ang ating pagninilay sa araw na ito ay tungkol sa pagtatayo ng tahanan, hindi lang bahay. Alam naman natin na hindi lahat ng bahay ay tahanan, di ba? Di ba may kasabihan tayo: “Mabuti na sa akin ang bahay kahit

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD AND WATER

 5,864 total views

 5,864 total views BLOOD AND WATER Homily for the Feast of the Sacred Heart of Jesus, 7 June 2024, Jn 19,31-37 I call the Feast of the Sacred Heart of Jesus a poetic feast about the mystery of the Love of Christ. Saint Paul himself sounds very poetic in our second reading from third chapter of

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”)

 5,868 total views

 5,868 total views TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”) Homiliya Para sa Huwebes sa Ikasiyam na Linggo ng Karaniwang Panahon, 6 Hunyo 2024, Mk 12,28-34 May kuwento tungkol sa isang pusa na inanod ng agos ng baha at nakakapit sa sanga ng maliit na puno sa gilid ng estero. Nakita daw ito ng dalawang tao. Dahil

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE ETERNAL NOW

 5,868 total views

 5,868 total views THE ETERNAL NOW Homily for Wed of the 9th Week in Ordinary Time, 5 June 2024, Mk 12,18-27 The question raised in today’s Gospel reminds me of the story of a woman named Sarah in the Old Testament. No, I am not talking about Sarah, the wife of Abraham, but about the Sarah

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top