Magdasal at maging handa sa kalamidad, apela ng Diocese ng Alaminos at Urdaneta

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 342 total views

Umaapela ng panalangin at kahandaan ang dating Social Action Director ng Diocese of Alaminos na si Father Wendell De Vera matapos ang magnitude 5.3 na lindol sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay Fr. De Vera, bagamat walang pinsala na naiulat ay mahalaga na magdasal at magkaroon ng kahandaan ang mamamayan mula sa mga banta ng kalamidad gaya ng paglindol.

Aminado ang pari na may kalakasan ang naramdaman na pagyanig bagamat hindi naman ito nagtagal at pinagpapasalamat na lamang nila na hindi na ito nagdulot ng malawak na pinsala.

“Sandali lang naman, wala naman pinsala, kagabi naramdaman namin malakas pero sandali lang, tinanong ko ang Pari sa Bolinao wala naman naiulat na pinsala,”pahayag ni Fr. De Vera sa panayam ng Radio Veritas.

Naramdaman din ang ilang segundong pagyanig sa bahagi ng Diocese of Urdaneta.

Sinabi ni Father Abet Viernes, social action director ng Diocese of Urdaneta na wala namang destruction o pinsala sa kanilang lugar.

Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS naitala ang sentro ng pagyanig 31 kilometro hilaga ng Bolinao, Pangasinan.

Naramdaman ang intensity 4 sa Lingayen, Pangasinan at Alalem, Ilocos Sur habang intensity 3 naman sa San Carlos, Pangasinan, Makati City Pasig City at Quezon City.

Magugunitang 12 araw mula ngayon ay gugunitain ang ikatlong taong paglindol sa lalawigan ng Bohol at Cebu kung saan tinatayang nasa mahigit 200 ang nasawi at halos isang libo katao ang nasugatan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 36,315 total views

 36,315 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 59,467 total views

 59,467 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 129,581 total views

 129,581 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 204,195 total views

 204,195 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 281,603 total views

 281,603 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 91,549 total views

 91,549 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top