Magtiwala sa panginoon sa gitna COVID 19 pandemic, panawagan ni Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 792 total reads

Hinikayat ng arsobispo ng Maynila ang mananampalataya na patuloy magtiwala sa Panginoon sa gitna ng pandemya.

Ito ang mensahe ng Kanyang Kabunyian Jose Cardinal Advincula sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Kalinis-linisang Paglilihi kay Maria.

Ayon sa cardinal, mahalagang matutuhang ipagkatiwala sa Panginoon ang lahat ng bagay sapagkat bukod tanging Diyos lamang ang nakakaalam.

“Sa gitna ng krisis, PAGTITIWALA AT PAGTALIMA ang tugon; ito ang itinuro sa atin ng pandemya. Dahil hindi natin kontrolado ang virus, ang ating tugon ay PAGTITIWALA. Hindi natin kayang kontrolin sa ating kamay ang pandemya. Ipagkatiwala natin ang lahat sa kamay ng Diyos,” mensahe ni Cardinal Advincula sa Radio Veritas.

Hinimok din ng arsobispo ang mananampalataya na makiisa sa pagtatalaga ng bansa sa pangangalaga ng Mahal na Birheng Maria at kay San Jose.

“Let us entrust our nation and our families to the mercy of God, the maternal embrace of the Blessed Virgin Mary and the fatherly protection of St. Joseph,” ani ng Cardinal.

Umaasa ang pinunong pastol ng Maynila na maging huwaran ng mamamayan si Maria at San Jose na buong kababaang loob tinanggap ang nais ng Diyos na maging magulang ni Hesus sa sanlibutan.

Ipinaalala ni Cardinal Advincula na dahil sa pagsunod ng mga magulang ni Hesus sa Panginoon ay natubos sa kasalanan ang sanlibutan.

“May Pasko dahil may Maria at Jose na nagbigay ng kanilang sarili upang matupad ang plano ng Diyos. Hilingin din natin ang biyayang ito na maging bukas sa plano ng Diyos upang maihatid rin natin si Hesus sa mundong naghihintay sa kanya,” saad ng cardinal.

Samantala, kasabay ng kapistahan ng Immaculada Concepcion magtatapos na rin ang Taon ni San Jose na unang itinalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco noong 2020 bilang pagkilala sa ika – 150 anibersaryo ng pagiging patron ni San Jose sa simbahang katolika.

Kaugnay dito pangungunahan ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David ang National Consecration to the Immaculate Conception and National Consecration of Families to St. Joseph alas onse ng umaha sa San Roque Cathedral.

Matutunghayan ang buong pagdiriwang sa DZRV 846, TV Maria, CBCP News, Dominus Est at sa iba’t ibang social media pages ng mga simbahan sa bansa.

Sa huli umaasa si Cardinal Advincula na tanggapin ng bawat isa si Hesus na isilang para sa kapayapaan, pagkakaisa at katubusan ng sanlibutan.

“Patuloy na kumakatok ang Diyos, patuluyin natin siya at panahanin sa ating bayan, mga pamilya at sa ating puso,” ayon pa ni Cardinal Advincula.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THE LOST LESSONS

 20,711 total reads

 20,711 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 71,077 total reads

 71,077 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 204,529 total reads

 204,529 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 289,911 total reads

 289,911 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 352,408 total reads

 352,408 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top