Mainit na pagtanggap, ipinadama ng Apostolic Vicariate of Puerto Princesa sa US Ambassador to the Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,521 total views

Pinangunahan ni Apostolic Vicariate of Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona ang pagtanggap sa bikaryato kay United States Ambassador to the Philippines, MaryKay Loss Carlson na bumisita sa Puerto Princesa.

Sa ibinahagi ng mga larawan ng AVPP Social Communications ay makikita na personal na pinangunahan ng Obispo ang pagbibigay ng 20-minute heritage walk sa Immaculate Conception Cathedral sa Puerto Princesa na una ng kinilala bilang isang “Important Cultural Property” ng National Museum of the Philippines noong March 2023.

Sa naganap na Cathedral Tour ay ibinahagi rin ni Bishop Mesiona kay Ambassador Carlson na ang ilang pambihirang desenyo ng Katerdral ay gawa ng mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) mula sa Iwahig Prison and Penal Farm na matatagpuan sa probinsya.

Ibinahagi rin ng Obispo kay Ambassador Carlson ang imahen sa katedral ni Saint Ezekiel Moreno -na siyang unang kura paroko ng Puerto Princesa at isa sa mga co-founding father ng lungsod.

Bukod sa iba pang mga kawani ng US Embassy ay kasama ring bumisita ni Ambassador Carlson sa Puerto Princesa Cathedral ang ilang mga kinatawan ng tourism office ng lungsod sa pangunguna ni City Tourism Officer Demetrio Alvior Jr.

Matatandaang nang idineklara ang Immaculate Conception Cathedral ng Puerto Princesa, Palawan bilang isa sa Important Cultural Property (ICP) o Mahalagang Yamang Pangkalinangan noong Marso ng taong 2023 ay ibinahagi ni Bishop Mesiona na maituturing itong pagkilala ng estado ang kagandahan, kahalagahan at mayamang kasaysayan na tinataglay ng katedral hindi lamang sa bahagi ng kasaysayan ng Simbahan at pananampalatayang Katoliko, kundi maging sa kasaysayan ng Puerto Princesa, Palawan.
“Ang pagkilala ng Immaculate Conception Cathedral ng Apostoliko Bikaryato ng Puerto Princesa na isang ‘Important Cultural Property’ o ICP ay desisyon ng National Museum of the Philippines at ito’y ipinaalam na lang sa amin. Isang magandang development ito dahil opisyal kinikilala ang kagandahan at kahalagahan ng aming katedral. Hindi lamang makilala ngayon ang Puerto Princesa sa kagandahan ng kanyang karagatan at ng underground river kundi pati na din ang aming katedral. Katunayan isa ito sa mga pinupuntahan ng mga turistang na namamasyal sa aming lalawigan.” Bahagi ng naging pahayag ni Bishop Mesiona sa Radyo Veritas noong Marso, 2023.
Ang titulo ng Important Cultural Property (ICP) ay iginagawad sa mga ari-arian o istruktura na may malaking ambag at kinalaman sa makasaysayang kultura at artistiko sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Konkretong paraiso?

 25,543 total views

 25,543 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 46,524 total views

 46,524 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 68,952 total views

 68,952 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 242,165 total views

 242,165 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 217,938 total views

 217,938 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pope Leo XIV, pinuri ng SCMP

 32 total views

 32 total views Naglabas ng pahayag ang Student Christian Movement of the Philippines kaugnay sa unang encyclical ni Pope Leo XIV na “Magnifica Humanitas,” kung saan

Read More »

EJK Truth Commission, itinatag

 3,736 total views

 3,736 total views Pormal nang inilunsad ang isang independent at civilian-led Truth Commission na magsisilbing truth-seeking body upang bumuo ng kapani-paniwala at pampublikong tala at imbestigasyon

Read More »
Scroll to Top