Filipino Bishop, kauna-unahang Bishop appointment ni Pope Leo XIV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,531 total reads

Itinalaga ni Pope Leo XIV si Fr. Dave Dean Capucao bilang kahaliling pastol ni Bishop Bernardino Cortez sa Prelatura ng Infanta sa Quezon.

Ito ang kauna-unahang Filipino bishop appointment ng santo papa mula nang maihalal sa conclave noong May 8.

Tinanggap ng santo papa ang pagretiro ni Bishop Cortez makaraang maabot ang mandatory retirement age na 75 taong gulang noong July 2024.

October 3, 1994 nang maordinahang pari ng Infanta si Bishop-elect Capucao at naging punong pastol sa isang mission area ng prelatura sa lalawigan ng Aurora.

Taong 2000 nang mag-aral ito sa Catholic University of Nijmegen o Radboud University sa The Netherlands kung saan tinapos ang master’s degree ng intercultural and interreligious theology.

Mula 2002 hanggang 2006 naging junior researcher sa theology department ng unibersidad ang bishop-elect habang tinatapos ang dissertation on religion and ethnocentrism.

Naglingkod din si Bishop-elect Capucao sa Netherlands partikular sa Saint Ludger Parish sa Lichtenvoorde and Winterswijk.

Nagtapos din ang pari ng doctorate in sacred theology sa Catholic University of Louvain sa Belgium at naging formator ng St. Joseph Formation House ng prelatura sa Quezon City nang magbalik Pilipinas noong 2011.

Ilan sa mga ginampanan ni Bishop-elect Capucao ang pagiging superintendent of the Catholic Association of Schools in the Prelature of Infanta (CASPI), pangulo ng Center for Empirical Studies on Spirituality, Theology and Religion–Asia (CESSTREL-ASIA), kasapi rin ng Presbyteral Council ng prelatura at iba pang international organizations kabilang na ang The Netherlands School for Advanced Studies in Theology and Religion (NOSTER), at International Society of Empirical Research in Theology (ISERT).

Si Bishop-elect Capucao ang ikaapat na obispo ng prelatura na may humigit kumulang 400, 000 katoliko sa Northern part ng Quezon at makatuwang sa pagpapastol sa 19 na parokya ang mahigit 60 mga pari.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 18,431 total reads

 18,431 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 105,423 total reads

 105,423 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 152,162 total reads

 152,162 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 200,034 total reads

 200,034 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 303,131 total reads

 303,131 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top