Maka-mahirap na kalihim ng DENR at DAR, ikinatuwa ng Simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 427 total reads

Ikinatuwa ni CBCP NASSA at Caritas Philippines Exec. Secretary Rev. Fr. Edwin Gariguez ang bukas na pagtanggap ng mga bagong kalihim ng Department of Environment and Natural Resources at Department of Agrarian Reform sa Simbahang Katolika lalo’t higit sa mga mahihirap na pangunahing nagdurusa sa epekto ng climate change.

Ayon kay Fr. Gariguez, mahalaga ang gampanin ng dalawang departamento sa buhay ng mga mahihirap at sa kalikasan kaya naman kinakailangang tunay na may puso at malasakit ang mga ito para sa ikabubuti ng nakararami.

Dahil dito, pinuri din ng pari ang mahusay na pamimili ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kalihim na itinalaga nito sa dalawang departamento.

“Isa sa ikinatutuwa natin sa bagong administrasyon ay ang pagbibigay sa atin ng mga sekretaryo lalo’t higit sa departamento ng DENR at ganun din sa DAR, dahil ito’y mga mahahalagang opisina para sa mga mahihirap at ganun din sa kalikasan, na talaga namang may puso at malasakit para sa mga mahihirap at sa kalikasan,” ang bahagi ng pahayag ni Fr. Gariguez sa Radyo Veritas.

Ang kalihim ng DENR na si Secretary Regina Lopez ay kilala sa kanyang adbokasiya laban sa mapang-abusong mga minahan, samantala si DAR Secretary Rafael “Ka Paeng” Mariano naman ay dating Chairman ng Kilusang magbubukid ng Pilipinas.

Kapwa nangako ang dalawa na lagi nitong isasaalang- alang ang kapakanan ng mga mahihirap.

Sa first Quarter ng 2016, lumabas sa Social Weather Stations survey na may 10.5milyong bilang ng pamilyang Filipino ang naniniwalang sila ay mga dukha.

Samantala, sa Laudato Si ni Pope Francis, ikinalungkot ng Santo Papa na ang mga mahihirap nating kababayan ang pinakamahina at unang naaapektuhan ng mga pagbabagong nagaganap sa ating kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 45,129 total reads

 45,129 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 130,494 total reads

 130,494 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 177,230 total reads

 177,230 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 225,102 total reads

 225,102 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 326,970 total reads

 326,970 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 43,432 total reads

 43,432 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 36,307 total reads

 36,307 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top