150 total views
Tiniyak ng Overseas Workers Welfare Administration ang aktibong pagtulong ng pamahalaan sa mga naiwang mahal sa buhay ng mga Overseas Filipino Workers sa mga bansang may kaguluhan at banta ng karasahan tulad ng Turkey, France at iba pa.
Ayon kay OWWA Administrator Rebecca Calzado, maaring lumapit sa OWWA ang mga kaanak at pamilya ng mga OFW sa naturang mga bansa upang matulungan ng kanilang tanggapan at maging ng Department of Foreign Affairs sa pagkakaroon ng maayos na komunikasyon at matiyak ang sitwasyon o kalagayan ng kanilang mga mahal sa buhay.
“Usually the family also contact their kung sino yung nasa abroad diba and if they’re able to communicate and all that, safe sila, but kung hindi they come to us and then we facilitate, we help them contact their loved ones just to find out kung ano yung sitwasyon nila through DFA…” ang bahagi ni Calzado sa panayam sa Radio Veritas.
Kaugnay nga nito, nitong nakaraang linggo naganap ang pananagasa ng isang truck sa Nice, France na ikinamatay ng may higit 80 indibidwal habang tinataya naman umaabot na sa higit 290 ang namamatay sa tangkang pagpapatalsik sa gobyerno sa Turkey.
Sa Social Doctrine of the Church, maraming mamamayan ng mahihirap na bansa ang nakikipagsapalaran sa ibayong dagat na kinakailangan i-trato ng tama gaya ng pagbibibay ng sapat na benepisyo, paggalang sa kanilang karapatang pantao at magkaroon ng seguridad sa kanilang buhay.
Sa tala ng Center for Migrant Advocacy Philippines, aabot sa 5,000 Filipino ang lumalabas ng bansa kada araw upang magtrabaho sa ibayong dagat.