Mataas na buwis sa luxury goods, suportado ng Caritas Philippines

SHARE THE TRUTH

 4,922 total views

Nagpahayag ng suporta ang development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kaugnay sa panukalang pagpapataw ng mas mataas na buwis sa mga luxury goods upang mapataas ang kita ng pamahalaan mula sa mga mayayaman sa bansa.

Ayon kay Caritas Philippines National Director Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, ang pagpapataw ng mas mataas na buwis sa mga mamahaling bagay ay isang magandang paraan upang mapataas ang kita sa buwis ng bansa ng hindi naaapektuhan ang mga simpleng mamamayan na sapat lamang ang kinikita sa araw-araw.

Ipinakiwanag ng Obispo, na ang pagpapataw ng mataas na buwis sa mga luxury items ay makakaapekto lamang sa mga mayayaman na kayang bumili ng iba’t ibang mga bagay.

“Higher taxes on luxury items can generate revenue without unduly affecting low-income individuals. Since these luxuries are also unnecessary, those who can afford them will be less affected by the increased costs.” pahayag ni Bishop Bagaforo.

Iginiit ni Bishop Bagaforo na maaaring magsilbing daan ang panukala upang matugunan ang income inequality sa lipunan.

Umaasa naman ang Obispo na gamitin ng pamahalaan ang malilikom na pondo mula sa panukalang pagpapataw ng mas mataas na buwis sa pagpapaigting ng mga programa at serbisyo sa publiko.

“The higher tariffs can be a way to reduce income inequality and provide more funding for government programs and services, like state health facilities, farm-to-market roads, and classrooms.” Dagdag pa ni Bishop Bagaforo.

Naniniwala naman si Caritas Philippines Executive Director Rev. Fr. Antonio Labiao, Jr. na kaakibat ng nasabing panukala ang pagtiyak sa pagkakaroon ng transparency sa kung magkano ang malilikom na buwis at saan ito ilalaan ng pamahalaan.

Ayon sa Pari, dapat na malaman ng bawat Filipino kung saan napupunta ang kanilang buwis na bahagi ng kanilang pinaghirapang pagtrabaho.

Giit ni Fr. Labiao, naaangkop lamang na gamitin ng pamahalaan ang buwis ng taumbayan para sa mga pro-poor program, edukasyon at health care sector.

“There should always be transparency about how taxes are collected and used, and Filipinos should have access to information on the taxes they are paying. Additionally, taxes must be used to fund programs and services that are responsive to the basic needs of the citizens, like education, healthcare, and poverty reduction.” ayon kay Fr. Labiao.

Ang naturang panukala ni Albay Rep. Joey Salceda, chairman ng House Committee on Ways and Means ay hango sa naging panawagan at talakayan sa naganap na World Economic Forum (WEF) sa Davos, Switzerland kung saan hinimok ang bawat bansa na magpataw ng wealth taxes sa mga mayayaman.

Batay sa pinakahuling pagsusuri ng Oxfam, ang taglay na kayamanan ng siyam na pinakamayamang Filipino sa bansa ay katumbas ng pinagsama-samang yaman ng 55-milyong Filipino na sumasalamin sa umiiral na ‘inequality’ sa lipunan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE 2025

 25,018 total views

 25,018 total views Mga Kapanalig, katatapos lang ng midterm national and local elections pero may pang isang halalan sa taóng ito. Isasagawa sa Disyembre ang Barangay

Read More »

Anong pinagtataguan mo?

 36,023 total views

 36,023 total views Mga Kapanalig, gaano kalayo ang kayang takbuhin ng isang tao para makaiwas sa pananagutan? Sa kaso ng dating tagapagsalita ni dating Pangulong Duterte

Read More »

To serve and protect

 43,828 total views

 43,828 total views Mga Kapanalig, para sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, ang mga awtoridad ay obligadong ipatupad ang batas alinsunod sa kung ano

Read More »

TOO MUCH GENERAL EDUCATION

 60,374 total views

 60,374 total views Quality education, kailan kaya natin ito makakamit Kapanalig? Taon-taon, nahaharap sa maraming problema ang sektor ng edukasyon sa bansa., kabilang dito ang hindi

Read More »

AUGUST CHAMBER

 76,094 total views

 76,094 total views The Filipino people have the right to know the truth! Noong 1916, itinatag ang tinaguriang AUGUST chamber o Senate of the Philippines. Nagsilbi

Read More »

Related Story

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Obispo, dismayado sa Duterte Senators

 568 total views

 568 total views Dismayado si Cubao Bishop Elias Ayuban Jr. CMF sa mga Senador na tahasang nagpahayag at nangako ng suporta kay Vice President Sara Duterte

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Pagtatakip sa katotohanan, isang kasalanan

 5,553 total views

 5,553 total views Naniniwala si Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang pagpapaliban o pag-antala sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte ay maituturing na

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top