Likas na yaman ng kalikasan, nakatulong sa mga Palaweno na malagpasan ang COVID-19 pandemic

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,248 total reads

Ang likas na yamang kaloob ng Panginoon ang isa sa mga nakatulong sa mga Palaweño upang malagpasan ang krisis na dulot ng COVID-19 pandemic.

Ito ang ibinahagi ni Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona matapos ang isang taon mula ng isinailalim ang bansa sa mahigpit ng community quarantine dahil sa paglaganap ng COVID-19 virus.

Ayon sa Obispo, bilang isa sa kilalang tourist destination sa Pilipinas ay lubos din naapektuhan ang probinsya ng Palawan matapos na magpatupad ng lockdown at suspendihin ang operasyon ng iba’t-ibang sektor sa bansa kabilang na ang industriya ng turismo na pangunahing pinagkakakitaan ng mamamayan.

“Of course apektado ang Palawan dahil isa sa mga major sources of income ng mga tao ay ang turismo at alam naman natin na talagang natamaan ng matindi ang sektor ng turismo dahil sa pandemyang ito kaya marami ding affected.” pahayag ni Bishop Mesiona sa Radio Veritas.

Ibinahagi ni Bishop Mesiona na sa kabila ng pagsuspendi sa mga operasyon ng iba’t-ibang industriya ay nanatili namang mapagkukunan ng kabuhayan ng mga Palaweño ang pangingisda at pagtatanim.

Ipinaliwanag ng Obispo na bagamat naapektuhan ang regular na kabuhayan ng mamamayan ay nagsilbi namang biyaya para sa bawat isa ang likas na yamang na kaloob ng Panginoon sa probinsya upang malagpasan ng mga Palaweño ang krisis na dulot ng pandemya.

“Subalit ang isang nakakabuti naman po dito sa amin ngayon ay kahit papaano ay mayroon pa namang sources ng kabuhayan tulad ng pangingisda, although dahil nga pandemic din ay lumiliit ang market ng ating mga mangingisda kaya hindi din ganun kalaki ang kanilang kinikita pero at least nakakasurvive pa rin. Saka meron pa din yung farming, medyo maluwag luwag pa yung lupa dito kaya pwede pang magtanim tanim, yung siguro ang blessing na meron kami sa Palawan na kahit itong gitna ng pandemya ay medyo nakakasurvive pa rin…” Dagdag pa ni Bishop Mesiona.

Matatandaang ika-12 ng Marso, 2020 nang ideklara ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang partial lockdown sa Metro Manila upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa.

Pinalawig ng pangulong Duterte noong ika-15 ng Marso, 2020 sa buong bansa ang Enhanced Community Quarantine bilang pag-iingat mula sa pagkalat ng COVID-19 virus.

Batay sa Department of Labor and Employment, tinatayang 5-milyong Filipino ang nawalan ng hanapbuhay noong 2020 sa kasagsagan ng lockdown na dulot ng COVID-19 pandemic.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 20,059 total reads

 20,059 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 20,186 total reads

 20,186 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 36,410 total reads

 36,410 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 92,816 total reads

 92,816 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 216,317 total reads

 216,317 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 299,919 total reads

 299,919 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top