Tulad ng ekonomiya, napakahalaga ng pananampalataya sa mga Filipino.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,825 total reads

Naniniwala ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na hindi dapat ipagsawalang bahala ang pananampalataya ng mga Filipino lalo na ngayon panahon pandemya.

Ayon kay Rev. Fr. Jerome Secillano – Executive Secretary ng CBCP – Permanent Committee on Public Affairs, sinasalamin ng resulta ng isinagawang survey ng Social Weather Stations noong 4th quarter ng 2020 ang katibayan ng pagiging relihiyoso ng mga Filipino kung saan lumabas na 73% ang itinuturing na napakahalaga ng relihiyon.

Ipinaliwanag ng Pari na hindi lamang ekonomiya ang mahalaga para sa mga tao sa halip ay maging ang pananampalataya sa Panginoon na pinagkukunan ng lakas at pag-asa ng bawat isa sa gitna ng kahirapang dulot ng pandemya.



“Ito’y katibayan ng pagiging relihiyoso ng mga Pilipino. Sa Diyos sila humuhugot ng lakas sa kabila ng kahirapang dulot ng pandemya. At huwag naman sanang isantabi ang katotohanang ito at palabasing ekonomiya lang ang mahalaga sa tao.” Ang bahagi ng pahayag ni Rev. Fr. Jerome Secillano sa Radio Veritas.

Ibinahagi ni Fr. Secillano na bagamat hindi maaaring magtungo ang mga mananampalataya sa mga Simbahan ay hindi naman ito dahilan upang pagkaitan ng biyaya ng Diyos ang sinuman.

Iginiit ni Fr. Secillano na sa kabila ng anumang sitwasyon ay mahalaga ang patuloy na pagdarasal at paghahasik ng pagmamahal sa kapwa.

Hinikayat rin ng Pari ang paggamit ng social media at internet upang patuloy na magkaroon ng ‘access’ sa mga banal na liturhiya lalo na ngayong Semana Santa.

Binigyang diin rin ni Fr. Secillano ang pagbuhay at pagtatatag ng isang Simbahan sa loob ng tahanan kung saan sama-samang nagdarasal ang buong pamilya na mayroon malalim na pag-ibig para sa isa’t isa.

“Patuloy tayong magdasal at maghasik ng pagmamahal sa ating kapwa. Wala man tayo sa loob ng simbahan, hindi naman tayo napagkakaitan ng biyaya ng Diyos. Gamitin natin ang social media upang magkaroon tayo ng “access” sa mga liturhiya at tradisyon ngayong semana santa. Buhayin ninyo ang simbahan sa loob ng inyong pamilya. Sama-sama kayong magdasal at paigtingin ang inyong pag-ibig sa isat-isa.” Dagdag pa ni Fr. Secillano.

Batay sa resulta ng SWS survey noong 4th Quarter ng 2020, 73% ng mga Filipino ang sinabing napakahalaga ng relihiyon kung saan 46% ang nagsabing dumadalo sila sa religious services “weekly”, nasa 25% naman ang sumagot ng “monthly”, 27% ang occasionally at 1% ang “never”.

Samantala sa pangalawang pagkakataon naman mula ng lumaganap ang COVID-19 noong nakalipas na taon ay muling ipinatupad sa malaking bahagi ng bansa ang Enhanced Community Quarantine na nagbabawal sa pagsasagawa ng mga religious activities na nataon muli sa paggunita ng Semana Santa.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 6,521 total reads

 6,521 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 8,171 total reads

 8,171 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 18,610 total reads

 18,610 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 55,988 total reads

 55,988 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 87,258 total reads

 87,258 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 163,602 total reads

 163,602 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 256,916 total reads

 256,916 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 24,666 total reads

 24,666 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top