PIMAHT, nangangamba sa pagiging lantad ng mga bata sa sexual exploitation

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,957 total reads

August 17, 2020

Nagpahayag ng pangamba ang Philippine Interfaith Movement against Human Trafficking (PIMAHT) sa higit na pagiging lantad ng mga bata sa pag-aabuso at pananamantala dahil sa kahirapan at krisis na dulot ng COVID-19 pandemic sa bansa.

Ayon kay Evangelical Bishop Noel Pantoja – Pangulo ng PIMAHT, dahil sa kahirapan ay maraming mga pamilya ang napipilitang kumapit sa patalim na humahantong maging sa pagbibenta o sexual exploitation sa kanilang mga anak.

“Many children are being victimized and the perpetuators are relatives and parents themselves and because of the hardship of life because of poverty talagang parang kapit sa patalim yung mga magulang na ibinibenta na nila yung kanilang mga anak sa sexual exploitation kaya during the pandemic crisis, during COVID-19 talagang napakahirap ng buhay ng maraming mga tao kaya kapit sa patalim ang maraming mga tao…” pahayag ni Evangelical Bishop Pantoja sa panayam sa Radyo Veritas.

Iginiit ni Pantoja na bukod sa pananalangin ay mahalaga ring maging mapagbantay ang bawat isa upang mapigilan ang ganitong uri ng human trafficking lalo na sa mga bata.

Nanawagan rin ang Obispo sa pamahalaan upang tulungan ang mamamayang pinaka-apektado ng krisis na dulot ng COVID-19 upang maiwasan ang ganitong uri ng karasahan laban sa mga bata.

Paliwanag ni Pantoja, mahalagang magtulong-tulong ang bawat isa upang mabigyan ng ayuda ang mga mahihirap na mamamayan lalo na ang mga nawalan ng hanapbuhay o pinagkakakitaan dahil sa krisis na dulot ng pandemya.

“Dapat talaga maging vigilant tayo sa pananalangin at pagtutulong tulong upang mai-prevent ang ganito. Ito ay panawagan hindi lang sa panalangin kundi para talaga sa ating mga namamahala sa gobyerno na tulungan ang mga taong naghihirap kasi can you imagine libo-libo ang nawawalan ng trabaho, nagsasarado ang business kaya yan ang human trafficking ay lalong tumitindi ang problema kaya this is urgent na dapat tingnan ng ating pamahalaan…”panawagan ni Pantoja

Naunang nagpahayag ng pagkabahala ang Commission on Human Rights sa pagtaas ng kaso ng cybersex trafficking at online sexual exploitation ng mga bata sa gitna ng sitwasyon ng bansa mula sa COVID-19 pandemic.

Kaugnay nito naitala sa pinakahuling Social Weather Stations (SWS) survey ang record-high na 45.5% o 27.3 milyon na bilang ng mga adult na walang trabaho sa bansa sa gitna ng krisis na dulot ng COVID-19 pandemic.

Unang tinukoy ng United Nations Children’s Fund (Unicef) ang Pilipinas bilang “global epicenter of the live-stream sexual abuse trade” kung saan isa sa bawat limang batang Filipino ang lantad sa online sexual exploitation.

Ayon sa Kanyang Kabanalan Francisco mahalagang magsanib pwersa ang bawat isa at ang iba’t ibang mga institusyon upang malabanan ang patuloy na suliranin ng human trafficking sa lipunan at maprotektahan at matulungan ang mga biktima nito.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 66,118 total reads

 66,118 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 161,936 total reads

 161,936 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 206,204 total reads

 206,204 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 229,313 total reads

 229,313 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 301,463 total reads

 301,463 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top